http://www.one.org





Thursday, March 01, 2007

Turning Point

Kagulat gulat ba ang post na ito?

Kung sa tingin mo ay may mababasa ka na namang kalokohan o hindi kaya ay madugong post ngayon, sa tingin ko ay nagkakamali ka. Isipin mo naman kasi, bigyan ka ng apat na sunud-sunod na exam sa isang linggo lang, tingin mo ba makakagawa ka pa ba ng maka-nosebleed na post nun? Tingin ko hindi. Kaya nga hindi muna ako gagawa ng ganun ngayon dahil kailangan ko munang magpahinga. Ang sakit pa nga rin ng ilong ko hanggang ngayon eh. Pinilit ko lang talaga mag-update ngayon dahil baka mabulok na 'tong blog ko, wala nang bumisita. Sayang naman.

Sa totoo lang, ang daming nangyari nitong nakaraang mga linggo sa buhay ko. Pero siyempre hindi lahat ng yun ay exciting kaya kaunti lang ang ikukwento ko sa inyo. Baka kung ano ano lang din malagay ko dito, ingat ka. Baka may tamaan lang naman, lalo ka na ikaw na nagbabasa. Mabuti na yung nag-iingat tayo parati. Kailangan ring mabilis tayo sa lahat ng bagay.

Hay salamat, malapit na ring matapos ang mga bagyo sa buhay ko sa wakas. Isa na lang ang pagdadaanan kong kalbaryo (ngayong Sabado) at balik na naman sa normal ang takbo ng napakakulay na buhay ko. Baka naman gusto niyong mag-'good luck' sa akin, pagkakataon niyo na ito. Kailangan ko talaga, sa tingin ko. Kung sakali man, napakalaking tulong ang magagawa niyo para sa bayan.. Corny na, ayoko na.

Tama na muna ang pag-aaral. Hep, wag kayong magkakamali. Ang ibig kong sabihin dito ay tigil na muna ang usapan tungkol doon, hindi sa tinatamad na akong mag-aral. Kailangan ang pag aaral para sa kinabukasan natin.. Ayoko na talaga, sobrang corny na. Kasi naman 'tong mga nakikita kong campaign ad ng maga pulitiko sa TV, nakakahawa ang kakornihan nila. Ang sasarap ____ naku.. Lalo ka na P***a*, taniman kaya kita ng bomba dyan, naku makikita mo.

Maiba lang muna tayo. Ang sakit kasi talaga, dumadami na ang mga taong nakakakilala sa amin dito sa CAMP. Bakit ba kasi naisipan ko pang dumalo doon sa Game Show (February 16) at Off the Plug: Acoustic Friday (February 23) eh, ayan tuloy notorious na ang ilan sa mga boys ng block namin. Lahat tuloy ng masalubong namin sa CAMP ngingitian namin dahil ngumingiti sila (ganun kami bumati) sa amin, at kumakaway naman pag malayo. Kunsabagay, kung hindi ako pumunta ay wala naman akong mapapala. Hindi ko pa mauuwi yung gitara ko kung ganun. At saka sayang din ang exposure di ba. Hindi na rin naman maibabalik ang oras sapagkat 'time can never have a negative value' ika nga. Kaya ayun, wala na rin kaming magagawa. Think positive na lang. Sikat ka na eh, huwag ka nang umangal.

Malapit na rin ang botohan dito sa UP. Kamayan dito, kamayan doon. Nagkalat na rin ang mga campaign stickers at posters sa bawat sulok ng UP: sa pader, sa armrest ng mga upuan, sa pinto at masakit pa, sa likuran harapan buong katawan na rin yata ng bawat estudyanteng masalubong ko. Ganun katindi mangampanya. Panay na rin ang mga RTR (Room To Room, kung di mo naitatanong.) oras oras. Gusto namin yun, kasi napuputol pasumandali ang diskusyon ng prof namin sa harapan. Makakabisado ko na nga yata yung mga paulit-ulit na lines nung ibang tatakbo eh. Minsan nga lang, ayaw talaga nila kaya ayun, lalabas yung mga nangangampanya ng kuwarto na biguan.

Oo nga pala March na, ibig sabihin Fire Prevention Month na rin. Ingat lang sa paglalaro ng apoy ha [lalo ka na Billycoy hehehe], baka sumobra ang init at masunog kayo, mahirap na. Sige, kayo rin ang magsisisi sa huli. Lumabas nga rin pala kayo sa hatinggabi ng March 3 (bale, March 4 na yun ng madaling araw) at tumulala sa ilalim ng kalangitan, may lunar eclipse ng mga panahon na yun. Ayan kahit paano, may naibigay akong impormasyon dito sa post na 'to. Pasensya na talaga ha, kailangan ko na ulit 'mag-aral' eh. Sige. Isa pa pala, walang relevance ang post title, kaya hayaan niyo lang siya diyan ha?

Labels:

flight scheduled at 10:12:00 PM
|

THE PILOT


Yahoo Online Status Indicator
Arnel C. Uyaco Jr.
Sixteen Seventeen years old.
UP Manila Sophomore.
An alleged loverboy.
A pilot of my dreams.


TIME CHECK





THE LOGBOOK

















LATEST FLIGHTS












TICKET FARES




FULLY BOOKED

THE PASSENGERS



DESTINATIONS



CRASH-LANDINGS



THANK YOU FOR FLYING

Creator :
Blavered-INC

Image Hosts :
Photobucket, ImageShack

Header :
Billycoy Dacuycuy

Brushes :
DeviantART

Tagboard :
Cbox

BlogRoll :
BlogRolling

Clock :
ClockLink

Avatar :
Zwinky

Status Indicator :
Online Status

Comments & Trackback :
HaloScan

Reader Community :
MyBlogLog

Web Counter :
Free Web Logger

User Tracker :
Fast Online Users

Powered by :
Blogger Beta

Best Viewed :
1024 * 768