http://www.one.org





Saturday, February 10, 2007

Hand of Mass Destruction

I'm the culprit.
[ Author's note: If you are going to read this entry, read it from the start or else, everything will be spoiled. ]

Sabado, malapit nang mag-alas nueve y media ng gabi.

Tahimik akong nagbabasa ng isang aklat sa sala ng aming tahanan nang biglang may lumapit at sumubok na mang-istorbo sa akin. Sa pag aakalang aalis rin siya matapos ang ilang sandali, hindi ko lang muna siya pinapansin, at itinuloy ko lamang ang aking pagbabasa. Ngunit hindi niya pa rin talaga ako tinitigilan, kaya naman sinubukan kong itaboy na lamang siya at lumipat na rin ako ng pwesto upang doon na lamang matiwasay na ituloy ang naudlot na babasahin.

Ilang minuto na rin ang nakalipas, muli ko siyang nakitang papunta sa direksyon ng aking kinauupuan. Napagtanto kong nais niya talagang guluhin ang aking katahimikan, sapagkat kahit anong taboy ang aking gawin ay ayaw niya pa rin akong tigilan. Sinubukan ko siyang hampasin ng tangan kong libro, ngunit agad siyang nakaiwas. Ilang beses ko ring sinubukang hampasin siya, ngunit tila yata alam na niya kung saang direksyon ko ibabaling ang aking kamay upang paluin siya. Dahil doon, pinalipas ko pa rin ang kanyang pangungulit sa akin at hinayaan na lamang muna siya roon sa aking tabi.

Ngunit hindi nagtagal at napikon na rin ako sa kanyang presensya. Pinakiramdaman ko ang bawat kilos niya habang naroon pa siya sa tabi ko. Inihanda ko na ang aking kanang kamay upang subukan ang aking masamang balak sa kahuli-hulihang pagkakataon. Matapos kong umipon ng buwelo at lakas, inabangan ko siya at tuluyan nang lumapat na ang aking kamay sa malamig at matigas na salamin ng lamesa. Isang malakas na lagabog ang narinig.


BLAAAAAAAAG!!


Umalingawngaw sa buong bahay ang tunog ng ubos-lakas na palo ko sa lamesa. Halos mabasag ang salamin nito, at tuluyan na ngang nabasag ang katahimikan ng paligid. Tinamaan ko siya sa kanyang ulo, at mabilis na dumanak ang kanyang dugo sa aking kamay. Pinagmasdan ko muna siya sandali. Naroon siya, nakahandusay sa lamesa, naliligo sa sarili niyang dugo. Matapos kong itapon ang kanyang bangkay at hugasan ang aking duguang mga kamay, lihim akong napangiti at nasabi ko na lamang sa aking sarili:

"Patay kang lamok ka."

Labels: , ,

flight scheduled at 9:37:00 PM
|

THE PILOT


Yahoo Online Status Indicator
Arnel C. Uyaco Jr.
Sixteen Seventeen years old.
UP Manila Sophomore.
An alleged loverboy.
A pilot of my dreams.


TIME CHECK





THE LOGBOOK

















LATEST FLIGHTS












TICKET FARES




FULLY BOOKED

THE PASSENGERS



DESTINATIONS



CRASH-LANDINGS



THANK YOU FOR FLYING

Creator :
Blavered-INC

Image Hosts :
Photobucket, ImageShack

Header :
Billycoy Dacuycuy

Brushes :
DeviantART

Tagboard :
Cbox

BlogRoll :
BlogRolling

Clock :
ClockLink

Avatar :
Zwinky

Status Indicator :
Online Status

Comments & Trackback :
HaloScan

Reader Community :
MyBlogLog

Web Counter :
Free Web Logger

User Tracker :
Fast Online Users

Powered by :
Blogger Beta

Best Viewed :
1024 * 768