http://www.one.org





Thursday, April 26, 2007

Sweet Nothings

Ayoko ng masyadong nag-iisip tungkol sa mga bagay bagay, lalo na kapag kailangan kong magdesisyon ng harap-harapan. Lagi kasing nangyayari yun sa akin, at minsan ay napapahamak (at napatatawa na rin) ako dahil sa mga naturang sitwasyon. Kapag tinatanong ako madalas ang sagot ko ay nasa gray areas, kaya naman sinasabi ko sa inyo na huwag na huwag niyo akong aasahan pagdating sa mga ganyan. Nung nagsaboy yata ng mga salita sa si Lord sa mundo, ang mga nakalap ko lang yata noon ay 'Hmm..' 'Ahh..' 'Ayos lang..' 'Pwede..' 'Hindi ko alam..' 'Ewan ko..' at lahat ng mga iba pang 'hindi siguradong' sagot na papasok dyan sa isip mo.

Kahit sa simpleng pagsabi ko ng order sa mga fastfood chain, hindi pa rin maiwasan na mapaisip ako ng malalim bago sabihin ang gusto kong bilhin. Nakikipag-usap din kasi ako sa kung kani-kanino habang nasa pila pa ako, para hindi ko maisip na matagal na kaming naghihintay doon. Ayan tuloy nalilimutan na rin kung ano yung bibilhin ko kaya naman wala na akong magawa kundi ngumiti na lang at minsan pa nakakatawanan ko na rin pati yung cashier na kaharap ko. Sayang nga lamang at hindi pa ganoon kalakas ang aking charm para malibre ako sa pagkain sa mga resto. Hanggang carinderia lang ang powers ko. Yuck cheap.

Maraming beses na rin yata akong napahamak dahil sa sakit (ganito ko na lang tatawagin) kong 'to, pero sorry hindi ko ito sasabihin. Sikretong malupit yun. Mabuti na lang hindi pa nangyayari sa akin ang mga pinakamalalang aksidenteng posible gaya na lang ng pag-crash ng eroplano, paglubog ng barko o pagbagsak ng mga meteors sa likodbahay namin, kundi baka wala na kayong mabasang post dito sa blog ko kundi isang epitaph na walang laman dahil hindi ko rin maiisip ang ipapalagay kung sakali. Pwede na siguro yung "Namatay dahil sa.." na message, wala na akong paki, tutal patay naman na ako. Pero malay natin, baka magbago pa isip ko.

Maski sa kahuli-hulihang pagkakataon bago ko ilathala ang post na 'to, nag-iisip pa rin ako kung hahabaan ko ba, kung English ba o Tagalog ang ipapabasa ko sa iyo at kung anong magandang pamagat slash titulo ng post na ito (Kita 'nyo na, sabi sa iyo eh). May draft muna kasi ako kapag gumagawa ng mga ganitong klase ng post, dahil siguro sa kakulangan sa oras para mag-isip ng maisusulat at dahil nga, tulad ng sinabi ko kanina dun sa itaas, ayoko ng masyadong nag-iisip sa mga bagay bagay.

Labels: ,

flight scheduled at 2:20:00 PM
|


Saturday, April 21, 2007

Give It Up

Sa mga panahong ganito na summer na at malapit na rin ang eleksyon (at ang birthday ko rin pala, papansin lang), usong uso na naman ang mga patayan, holdapan, nakawan, bentahan ng droga, laman, at kung anu ano pa. Karamihan sa mga ito ay nagaganap sa Padre Faura, isang sikat na kalye sa lungsod ng Maynila. Dahil nagiging talamak na ang mga ganitong sitwasyon, kailangan na nating tawagin muli at buhayin ang mga dakilang tagapagtanggol ng 'Mahal kong Maynila', ang mga Faura Rangers!

Red Ranger - Tinaguriang pinuno ng grupo (kahapon lang namin siya nahirang), siya ang pinakamatindi mag-isip ng parusa sa mga kampon ng kasamaan. Inaaway si Green Ranger kapag magkakasama silang lima, at malakas bumanat at humirit ng mga uber sa galing na timing at straight-to-the-point na mga panunukso sa kung sino sino. Dahil diyan, ito na rin ang naging main weapon niya laban sa mga masasamang loob, taste the power of the 'Shadow Word.'

Yellow Ranger - Kanang kamay daw ni Red Ranger, ngunit kahit kanang kamay lang, siya ang naghahari-harian sa grupo. Siya naman ang mortal na kaaway ni Blue Ranger tuwing magkakasama ang lima. Napakabanal na tao raw niya, kaya maraming sumusunod sa mga pangaral na ipinagkakalat niya. Dahil doon, ang gamit niya naman laban sa mga masasamang loob ay ang kanyang 'Holy Word,' bukod sa kanyang charisma sapagkat siya ay isang alagad diumano ng kabutihan, isa siyang 'pastor.'

Blue Ranger - Siya naman ang pinakatahimik na miyembro ng grupo, pero nung una lang iyon. Mula ng makalabas galing sa mapait na mundo ng kadiliman (hindi literal), bigla na lang lumabas ang mga salita sa kanyang bibig at nawala ang 'Curse of the Silent.' Ngunit wag kayong mag-alala mga kalaban namin, sapagkat hindi ito ang kanyang superpower, kundi ang kanyang napakamakapangyarihang 'Finger of Death.' Siya nga rin pala ang pinakama-'L' sa grupo, ayon kay Yellow Ranger na mortal nga niyang kaaway.

Green Ranger - Siya ang pinakamaliit na miyembro ng grupo. Maliit ang sulat, maliit ang boses, maliit na rin daw ang lahat ayon kay bosing Red Ranger. Mahilig din daw siya sa mga maliit, sabi ng iba. Akala niyo lang madali siyang kalaban pero wag niyong maliitin iyan dahil walang dudang napakalakas ng kanyang superpower: ang 'Scream of Pain.' Swerte pa namin kung bading ang makakalaban, sapagkat tinagurian din siya bilang isang Super G-Vac o gay vacuum.

Pink Ranger - Masasabing isa siyang 'bading' slash bading-badingan dahil kalalaking tao ay nagsusuot ng pink na costume at mahilig tumingin sa mga boys kasama ni Green Ranger. Mahilig din mang asar kay Green Ranger kasama ni Red Ranger, at madalas katawanan ng grupo. Marunong rin siyang magpalit-palit ng boses ng kung sino sinong tao dito sa mundong ibabaw. At dahil doon, gamit niya na rin itong panlaban sa masasamang loob upang matakot sila sa kanilang pinaggagawang mga kalokohan, at tinawag itong 'Voice Morph.'

Kaya ikaw, kung sino ka man na nangangailangan ng tulong namin at nasa Maynila ka na rin lang, kami na ang hanapin mo. Basta may makita kang limang lalaki na nakasuot ng Tshirts na may kulay gaya ng mga nasa itaas, at nagtatawanan, tiyak na kami yun. Sakali mang hindi mo kami makita, sumigaw ka lang ng: "DoTA!!!" Pwede ring hanapin mo kami sa PJ Mansion, sa CAS, CAMP, basta sa vicinity ng Padre Faura St. Ermita, Manila. Matatagpuan din ang mga Rangers sa mga 7-Eleven shops na makikita mo. Chambahan mo na lang kung saan kami tumatambay sa oras na kailangan mo kami. Humanda na kayo mga bad guys and gays! Go Go Faura Rangers!

Labels: , ,

flight scheduled at 1:30:00 PM
|


Wednesday, April 04, 2007

Beating the Heat

Dahil mainit na ngayon at nasabay na rin ang Holy Week, marami na sa atin ang nagsisipuntahan na sa mga beach resorts, sa kani-kanilang mga probinsya at kung saan saan pang mga komportableng lugar para magpahinga at gastahin ang kanilang oras at pera sa mga nakakaaliw na mga bagay. Pero para sa ilang bored na at walang magawa, mas pinili pa rin nilang manatili sa kanilang mga tahanan at tiisin ang init ng panahon.

Pero dahil mabait ako sa inyong lahat, narito ang ilang tips para sa mga nais ma-beat ang summer heat nang hindi masyadong gumagastos (o hindi nga ba?) at naiinggit na rin sa mga kakilala nila na nasa mga probinsya at pa-relax relax na lang ngayon.

  • Ugaliing gumising ng maaga. Ito ay para madama mo naman kahit paano ang lamig ng simoy ng hangin na umiihip tuwing madaling araw. Hindi mo na kailangang pumunta sa dalampasigan para maramdaman ito. Siguraduhin mo lang na hindi lang iyon ang dahilan kung bakit ka gigising ng ganun kaaga (kunwari, trabaho, etc.). Pero kung wala ka na talagang magawa pagkatapos noon, mabuti pang matulog ka na lang ulit.


  • Maligo kada dalawang oras. Kapag ginawa mo ito, bawat labas mo ng banyo ay preskong presko ang iyong pakiramdam. Kahit hindi ka na magpalit ng damit buong araw ay malinis ka pa rin tingnan. Daig mo pa ang mga nasa beach ngayon dahil sila, tubig-alat ang matitikman kung sakali, at kailangan pa rin nilang mag-shower pagkatapos nilang magtampisaw sa dagat. Yun nga lang ay mayroon itong side effect. Ang masakit pa ay sa katapusan mo pa malalaman kung ano yun.


  • Huwag magkukulong sa loob ng bahay. Tuwing matatapos ka maligo ay lumabas ka naman ng bahay. Magdala ka lamang ng payong bilang proteksyon mo sa init ng araw. Sa ganitong paraan, maaari kang makipagchikahan sa iyong mga kapitbahay na tambay din sa labas. Imposibleng wala ang mga kumpare mo doon, baka nga abutan mo pa silang nakashorts lang at nagpapaypay, samantalang ikaw naman ay fresh na fresh.


  • Huwag na huwag ding matutulog sa hapon o yung tinatawag na siesta. Kung susubukan mo ito, paggising na paggising mo, tiyak na magrereklamo ka na naman na mainit at baka maging kada oras na ang ligo mo imbes na bawat dalawang oras lang. Tatagaktak lang lalo ang pawis mo kung ganoon. At kahit na makipagpatayan ka pa para lang maitutok sa iyong sarili ang bentilador ay wala ring mangyayari at lalo lang kayong mapapagod. Ang mabuti pa, matulog ka na lang ng maaga para makagising ka rin ng maaga parati. Mas mapapangalagaan mo pa ang kalusugan mo, at hindi ka rin makakasakit ng iba.


  • Subukang magpagupit. Ito ang S.O.P. ngayong summer, ang magpaikli ng buhok. Kahit paano kasi ay naiibsan nito ang init na dulot ng panahon, at hindi na rin masyadong pagpapawisan ang iyong ulohan. Kung lalaki, maigi rin ang magpakalbo. 'In' din yata ito ngayon, yun nga lang magmumukha kang fishball. Idagdag mo pa ang iyong 'bigating' (malaking) katawan kapag nakahubad ka, naku. Dali, tusok na.


  • Gumawa ng mga cold beverages na gusto mo. Ilan lang diyan ang halo halo, gulaman, at kung ano ano pang papasok sa isip niyo. Yan ang usong uso ngayong summer, at bahala ka na kung ano ang napupusuan mo. Kung talagang masarap pa ang pagkakagawa mo ng mga nasabing pampalamig, bakit di mo subukang magbenta ka ng mga ganito upang magkaroon din ng pera ngayong bakasyon kahit na paano. Nakatulong ka pa sa sarili mo para magkaroon ka ng allowance / pambayad-utang. Kung hindi naman ganon kagalingan, magtiyaga na lang sa mga powdered juices at tiyaking maayos ang iyong pagtimpla kung ayaw mong lalong uminit ang ulo mo. Tandaan mo, ngayong summer dapat cool lang tayo.


  • Mamalagi sa mga mall. Sa kaunting barya lang (pamasahe) ay mararanasan mo ang lamig na dulot ng air conditioner sa mga ganitong establisyimento. Kahit na hindi ka mamimili ay papapasukin ka, siguraduhin mo lang na wala kang dalang bomba o kahit anong delikadong bagay. Maigi rin kung mag-sideline ka muna bilang waiter, cashier o kahit ano sa isang sikat na fastfood chain. Tiyak na mayroon kang libreng pagkain mula sa iyong mga bosing mula almusal hanggang hapunan. Kumikita ka pa ng pera sa proseso, habang pinapawi ang init ng panahon.


  • Kung gagawin mo ang isa o mas mabuti pa; ang lahat ng ito, tiyak na hindi mo masyadong mararamdaman ang init ng panahon at ang sakit sa bulsa (sana nga). Huwag ka nga lang magkakamaling gumawa ng kalokohan tulad ng pagsasayaw ng mala-rain dance sa mga tribo dahil baka matulad ka rin sa amin (at magkaroon na rin kami ng kasama sa wakas). Lagi mo ring tandaan: huwag mong isasabay sa init ng araw ang init ng ulo mo kung hindi ay magiging karumal-dumal lamang ang dapat sana'y bakasyon mo. Wala na nga ang init ng summer, yun nga lang, malamig na rehas nga lang ang hihimasin mo.

    Enjoy your summer!!

    *Kung gusto ninyong magdagdag ng sarili ninyong mga tips, nag-aabang lang ang comment box. Baka isama ko pa ang tip ninyo sa listahang ito. :)
    *Ang huling tip ay galing kay Padre Salvi. Salamat!

    Labels: ,

    flight scheduled at 7:49:00 PM
    |


    Saturday, February 10, 2007

    Hand of Mass Destruction

    I'm the culprit.
    [ Author's note: If you are going to read this entry, read it from the start or else, everything will be spoiled. ]

    Sabado, malapit nang mag-alas nueve y media ng gabi.

    Tahimik akong nagbabasa ng isang aklat sa sala ng aming tahanan nang biglang may lumapit at sumubok na mang-istorbo sa akin. Sa pag aakalang aalis rin siya matapos ang ilang sandali, hindi ko lang muna siya pinapansin, at itinuloy ko lamang ang aking pagbabasa. Ngunit hindi niya pa rin talaga ako tinitigilan, kaya naman sinubukan kong itaboy na lamang siya at lumipat na rin ako ng pwesto upang doon na lamang matiwasay na ituloy ang naudlot na babasahin.

    Ilang minuto na rin ang nakalipas, muli ko siyang nakitang papunta sa direksyon ng aking kinauupuan. Napagtanto kong nais niya talagang guluhin ang aking katahimikan, sapagkat kahit anong taboy ang aking gawin ay ayaw niya pa rin akong tigilan. Sinubukan ko siyang hampasin ng tangan kong libro, ngunit agad siyang nakaiwas. Ilang beses ko ring sinubukang hampasin siya, ngunit tila yata alam na niya kung saang direksyon ko ibabaling ang aking kamay upang paluin siya. Dahil doon, pinalipas ko pa rin ang kanyang pangungulit sa akin at hinayaan na lamang muna siya roon sa aking tabi.

    Ngunit hindi nagtagal at napikon na rin ako sa kanyang presensya. Pinakiramdaman ko ang bawat kilos niya habang naroon pa siya sa tabi ko. Inihanda ko na ang aking kanang kamay upang subukan ang aking masamang balak sa kahuli-hulihang pagkakataon. Matapos kong umipon ng buwelo at lakas, inabangan ko siya at tuluyan nang lumapat na ang aking kamay sa malamig at matigas na salamin ng lamesa. Isang malakas na lagabog ang narinig.


    BLAAAAAAAAG!!


    Umalingawngaw sa buong bahay ang tunog ng ubos-lakas na palo ko sa lamesa. Halos mabasag ang salamin nito, at tuluyan na ngang nabasag ang katahimikan ng paligid. Tinamaan ko siya sa kanyang ulo, at mabilis na dumanak ang kanyang dugo sa aking kamay. Pinagmasdan ko muna siya sandali. Naroon siya, nakahandusay sa lamesa, naliligo sa sarili niyang dugo. Matapos kong itapon ang kanyang bangkay at hugasan ang aking duguang mga kamay, lihim akong napangiti at nasabi ko na lamang sa aking sarili:

    "Patay kang lamok ka."

    Labels: , ,

    flight scheduled at 9:37:00 PM
    |


    Monday, January 29, 2007

    Echoes from the Alterego

    [ I'm warning you. This is a post about pure nonsense, something not worth your time reading. If I were you, I'd rather close the window or read some other blog entries right after reading this opening sentence. Still, it's up to you if you want to continue your suffering. ]










    STOP READING THIS ALREADY.










    If you try to continue reading this entry, the thought of closing this IE (or Firefox) window earlier will haunt you until you sleep. Insomnia will bother you for several days, or worst, forever. You don't want something like that to happen, do you? I know you don't want to, so stop this nonsense.

    Wala lang talaga akong magawa kaya itong post na 'to ang tumambad sa harapan ng monitor ng PC ninyo. Isang walang kwenta at hindi man lamang pinaghandaan na blog entry, sapagkat ang utak ko ay sabaw na sabaw sa mga pangyayari ngayong araw na ito. Marahil nga't halos pitong oras lamang kaming nanatili sa loob ng eskwelahan, ngunit marami pa ring maaaring mangyari. Tulad na lang ng... Wag na lang siguro, pag kinwento ko pa lalo lang itong hahaba. Lalo ka lang tatamaring basahin ito kung ganon, di ba? Kaya yun nga, wag na lang.

    But if you insist, there is a high (when I say high, its really high) probability that you'd get crazy over this post and take a little walk at PGH, in the dreaded hallway of ward seven, to be exact. Or you could try and look for 'Ederlyn' and 'ChonaMae' in Friendster to temporarily escape the realm of this entry and relax your dying brain cells a bit. Perhaps it's just nosebleed that's trying to kill you right now.

    Kung sino ka mang nagbabasa, nahihilo ka na siguro sa halo-halong ingles at tagalog dito, at wala ka man lang makitang relasyon o coherence (salamat sa teacher ko sa technical writing nung high school, meron pa akong naalala sa mga tinuro niya) sa pagitan ng mga talata (yes nalaman ko na ulit yung tagalog ng paragraph!) ng post na ito. Kung hindi ako nagkakamali, nais mo nang tigilan ang pagbabasa nito, ngayon pa lang. Maski sina Ederlyn at ChonaMae, mga walang kamalay-malay na nilalang ay napagdiskitahan ko na. Baka tinigilan mo na rin habang binabasa mo pa lang ang ingles na parte nito, at hindi mo na siguro inabutan ang parteng ito. Kung umabot ka man dito, marahil ay nasabaw ka na at gusto mo na ring tigilan ang pagbabasa nito, dahil maski ang tagalog ko ay walang kakwenta kwenta. O baka nabaliw ka na ng tuluyan at nais mo na ring sumama sa amin sa ward seven. Hehehe.

    Better yet, you could just kill yourself with a knife, but that happens to be the corniest thing that you could have ever done in your entire life. I'd prefer dying in a freak accident rather than committing suicide. I don't want to die because of sickness, either. Hey, why are you still reading this, anyway?

    Siguro nga, nais mo nang magpakamatay matapos basahin ito, pero huwag! Huwag mong gagawin yan (lalo na kung blogger ka), sapagkat marami ka pang maaaring gawin sa mundong ito, bata ka pa (kung hindi na, yun na lang ang isipin mo) at marami pang nagmamahal sa iyo, at mas marami pa yan kung sakaling mayaman ka. Kung sakali lang naman. Pero siguro, gusto mo na akong hanting-in upang ako na lang ang iyong patayin dahil sa pagpapahirap ko sa iyo para lamang mabasa ang blog entry na ito. Di ba? Wag ka na mahiya, baka nga pati Friendster Account ko hanapin mo para lamang malaman kung taga-saan talaga ako at kung ano ang itsura ko eh. Pero bago mo magawa yun, tiyak na may nauna na sa iyo. (At sinisiguro ko sa iyo, kung sino man iyon, siya yung pinaka unang (at pinakamalas na rin) nagbasa ng entry na 'to.)

    Anyway, you're just wasting your time if you even had the urge to continue up to this last paragraph. Why not hover the cursor over one of the 118 (and counting) more interesting links at the sidebar and quit reading this crap. Or maybe you could just play with the drawing board, the flash movies and the tagbox (flood it with colored posts, if you know how to do it) found at the sidebar, or play with the falling snowflakes, just to compensate for the time (about twenty minutes) and patience that you spent waiting for this page to load and understanding this blog entry. You could also listen to the songs in the mini-mp3 player, if you want to [well, you don't have a choice, unless you muted the volume of the speaker or stopped the player itself]. I know you have more important things to do, so do them now; before you break out.

    Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko at ito ang ginawa ko. Siguro sa sobrang kakagamit ko ng ingles sa mga dati kong post ang dahilan sa likod nito. O marahil epekto lang ito ng 'spokening dollar' ni Heneroso sa kanyang Multiply (wag kang mag alala, hindi ko ilalagay yung link). Sobrang konyo na rin siguro, o baka LSS lang sa Love Team ng Itchyworms na tumagal ng isang linggo, o baka sadyang abnormal na nga talaga ako. Siguro, habang binabasa mo ito ay wala na ako sa mundong ito, isa nang malamig na bangkay at tumitingin na lang sa mga blog ninyo mula sa itaas. Pero sana naman hindi. Hehehe.

    *or you could just press Ctrl+A to see the whole post. (that would make you spend more time to go back to the first part and read this over again. but hey, why bother right?)

    Labels: , ,

    flight scheduled at 7:04:00 PM
    |


    Friday, January 05, 2007

    'Heaven in Ward Seven'

    [ The following entry which you are about to read is absolutely fictional. The names are all created in the mind of the author, OR suggested by his friends and relatives. If you happen to be the owner of one of the names, do react immediately. This post is just a 'letter' by a former patient of Ward 7, who found heaven in the company of his fellow patients. Do not get carried away, or else.. you know. ]

    Dear MamSir/SirMam/Staff/Doctors/Nurses/Patients:

    Mabuhay, ako po ito, ang pinaka-mabait niyong pasyente sa ward 7 limang taon na ang nakalilipas, si Muymuy.. Bago ang lahat, belated happy new year at advancd merry christmas na para sa taong ito. Sumulat po ako dahil wala lang, naalala ko kayo nung nagmumuni-muni ako dito sa bahay.

    Kumusta na po kayo dyan? Ako, heto ayos naman po, nakahanap na po ako ng isang butihing asawa na tanggap ang buong pagkatao ko.. Pero parang kulang pa rin po ang buhay ko,tila ba hinahatak ako pabalik sa dati kong tahanan, kung saan marami akong nakikitang mga kamangha-manghang mga bagay na hindi ko na nakikita ngayon. Nami-miss ko na po kayo lahat dyan.

    Naalala ko pa nga po ang mga batuhan namin ng filler ng ballpen na binali para lamang magkalat ng tinta sa aming mga katawan at sa buong kwarto namin para lamang pahirapan ang buwisit na tagapaligo namin, ang mga 'wrestling' matches na ginagawa ng aking mga kapwa na lalaki na mistulang mga superstar sa kanilang daigdig, kahit na hindi pa nagkakantian ay mayroon nang nanalo dahil sa referee naming uto uto. Lalo na rin po yung mga tahimik na away ng ibang mga pasyente dun, grabe nakakabingi talaga yun. Tumatagal pa ng dalawang oras yun. Naalala ko pa rin po ang mga oras na pinapayagan niyo kaming lumabas ng kwarto upang makapaglibot-libot sa PGH na parang isang museum na bago sa aming mga paningin. Pati na rin po yung mga gumagawa ng mga party paminsan-minsan dito sa atin, aba dun po ay mukhang mga bida kami, kahit ano ang gawin namin, pinapalakpakan kami, mas maganda pa binibigyan kami ng premyo. Hehehe.

    Syanga po pala, naririyan pa ba si Eric? Sya po yung nagpapayong sa gitna ng kwarto namin para daw harangan yung ilaw, pero balak magbasa kahit madilim, nagbago na ba siya? Nami-miss ko na rin po si Jolens, yung babaeng sinasampal-sampal lang namin at ginagawang punching bag pero ayos lang sa kanya, sa pag-aakalang senyales iyon ng aming pagmamahal para sa kanya. Pati rin pala si Johnny Boy, bigla kong naalala. Siya naman po yung nagsisindi ng kandila tuwing bagong taon, at nagtatakip ng tenga habang hinihintay na maupos ito at sumabog diumano na parang whistle bomb. Nandyan pa po ba siya? Eh si Patrick po, nariyan pa ba? Yung kumakanta ng 'My Way' sa lumang videoke natin na nagloloko, kahit na tahimik siyang kumakanta eh 100 pa rin ang score nya?! Nakakainis talaga yun, samantalang ako maganda ang boses 30 lang ang nakukuha ko dun. Sinungaling. Pero ayos lang po, tanggap ko na yun. Si Karlita po, hindi pa rin ba na-release? Aba, eh nauna pa akong makalabas sa kanya ah. Sabi niya dati, ire-release na siya sa susunod na linggo pero lumipas na ang isang buwan andun pa rin siya. Ilusyonada talaga yung babaeng yun. Siya rin po yung super itim na babae na umiinom ng isang kutsarang Nivea Moisturizing Milk para daw pumuti siya, nakakatawa talaga. Sana alam niya na ngayon na three times a day dapat yun iniinom para tumalab.

    Sana po ay marunong din makipag-coooperate ang mga bago niyong pasyente dyan ano? Baka nga yung mga dati kong kilala nandyan pa rin eh. Alam niyo namang ako lang, ako lang ang binigyan niyo ng most 'special' award sa amin eh. Tandang tanda ko pa nung Christmas Party bago ako i-release binigay yan eh. Ay, Christmas Party ba 'yun? Basta, depesdida yata yun, ewan ko. At dahil dyan sa award na yan, tanggap agad ako sa piang-applyan ko ng trabaho, yun bang nagsusulat ng balita sa dyaryo. Aba, ang laki ng kita nung printing press na yun dahil sa akin ah! Pero company's secret na lang yun kung bakit malakas kami bumenta.

    Sana po talaga magkaroon ako ng oras para dumalaw dyan sa inyo, nami-miss ko na talaga ang mga tao dyan, lalo na rin si miming, yung pusa dun sa may bintana na hindi naman masyadong gumagalaw, yung kaliwang kamay lang ang kumakaway. Ganun ba talaga yun? Sana nagbago na siya ng ugali ano..

    Nagmamahal,
    MuyMuy!

    PS:
    Sa spelling po ba ng cooperate, dalawa ang letter 'o' o isa lang po? ginawa ko nang tatlo dun sa letter para po sigurado kasi alam niyo naman pong hindi ako ganun kagaling sa english.. :)

    Sana po matanggap at mabasa niyo ang sulat ko para sa inyong lahat kahit hindi ko alam ang eksaktong address ng ward natin. Basta nilagay ko lang po 'PGH Ward 7: Alam mo na yun.' :)

    Labels: , ,

    flight scheduled at 12:30:00 AM
    |


    Monday, December 11, 2006

    Ward 7's Top Ten

    Before I get myself killed by a 300-point Histo II exam tomorrow, I'll just use this opportunity to introduce the Top Ten so-called 'prisoners' of Block 20, the potential patients waiting in line at the 7th Ward of the PGH, the Psychiatric Ward. It's fun being with us, by the way. Try laughing out loud (literally) when we're around, whatever it is, we will surely laugh with you.

    [The names were hidden by using their initials, to protect the real identity of the persons (except number 7, who happens to be yours truly). Anyway, you know yourselves, don't you?]

  • JO [Patient Number One]: Better known as my 'bespren,' she is the most (hyper) active in the block. Considering the fact that she is a girl, she has always been tagged with the nickname 'Manny,' because she also lives in Pacman's hometown, General Santos. And, she's proud of it. Famous quotation: "Heehee!!"

  • KL [Patient Number Two]: The only 'baliw' in our block (but she's currently recruiting allies, including JO), hates LA a lot. She's annoyed by noisy people (sergeant at arms, eh?) but she is noisy herself. She even had a recent quotation to mark, but I'd rather not say the whole phrase here. "Huwag kang mag-react...."

  • RR [Patient Number Three]: She's another jolly person in the block. She has been greeting everyone "Merry Christmas" lately, while singing Christmas Carols. By the way, her name should always come in 'BIGGIE' sizes. This lady here has so many boy_friends. Famous quotation: "Ang labo mo."

  • DM [Patient Number Four]: My former 'sweetie' (she doesn't want it anymore and I don't know why), she is another sabaw woman. She would usually utter words at the wrong place, at the wrong time. She's fun to be with, practically. Famous quotation: "Sabaw."

  • MM [Patient Number Five]: A nocturnal human being whom I call 'bru' (she calls me that nickname, too) She has the voice of a boy teenager (nagbibinata hahaha), and when combined with RR and DM, it's a blast. She knows basically anything and everything under the sun. Famous quotation: "Hay, life. :-<"

  • LA [Patient Number Six]: Ah, LA. He's a proud member of the UP Manila Chorale, gifted with a glorious voice, and a tremendous body figure (Peace be with you). Aside from his 'gorgeous' body which RR called the Pangaea, he is also known for his famous quotation, "I hate you."

  • AU [Patient Number Seven]: No comment. I'd just say he's also one of the patients. He is the author of this blog so please, if you do not mind, do not protest anymore.

  • EM [Patient Number Eight]: He is a friend of AU and DP, known for his hilarious drawings of some professors (even blockmate(s) sometimes). He is AU's partner in crime whenever he feels like teasing 'someone' or making issues in the block, and that includes our professors. Famous quotation: "(yells anything)!!!!!!!"


  • DP [Patient Number Nine]: He is another partner in crime of AU or EM, he loves to set things on fire. When Patients 7, 8, and 9 come together, they form the unstoppable 'UPM' gang, or when with AV, they're also known as *'PAID'. Famous quotation: "Sunugin."

  • AT & GC [Patients Number Ten]: These two are the least AB normal people of the block, and they still need some more 'attention'. However, when with JO, they form the infamous 'Powerpuff Girls,' another strong alliance in the block.

    When you call GC, it should always be in the form of "Hi G!" and always smile afterwards. She never fails to smile everyday, and knows it whenever I want to throw a joke. Famous quotation: "Hi A! :)"

    AT however, has a tendency to replace patient 9, because she has been showing the 'signs' lately. She is always teased for her height, and now for her bad bathing habits. Famous quotation: "n_n"

    Whoever you are, currently reading this blog entry: Think of this nonsense as something helpful to you. If you think you are the most abnormal person alive, think again. Think twice (or thrice, if that is the case). At least now you know there are people like you, or even worse than you, who think differently from the others. It is a gift, not a curse. Look at the bright side: Now you know who to avoid whenever you go to Robinson's Place Ermita. Mind you, there are thirty of us, and these persons are just the top ten who qualified.


  • Think it over. I just did.

    *The PAID group has recently come up with their latest project last November, The U.P. Bulag Organization (U.B.O.) The organization aims to beg for alms to be able to enjoy their Christmas. Their motto is: Piso mo, Pasko ko. They have just finished Phase One of the project at the RH lobby, and will now move to CAMP.

    Labels: , , ,

    flight scheduled at 6:51:00 PM
    |

    THE PILOT


    Yahoo Online Status Indicator
    Arnel C. Uyaco Jr.
    Sixteen Seventeen years old.
    UP Manila Sophomore.
    An alleged loverboy.
    A pilot of my dreams.


    TIME CHECK





    THE LOGBOOK

















    LATEST FLIGHTS












    TICKET FARES




    FULLY BOOKED

    THE PASSENGERS



    DESTINATIONS



    CRASH-LANDINGS



    THANK YOU FOR FLYING

    Creator :
    Blavered-INC

    Image Hosts :
    Photobucket, ImageShack

    Header :
    Billycoy Dacuycuy

    Brushes :
    DeviantART

    Tagboard :
    Cbox

    BlogRoll :
    BlogRolling

    Clock :
    ClockLink

    Avatar :
    Zwinky

    Status Indicator :
    Online Status

    Comments & Trackback :
    HaloScan

    Reader Community :
    MyBlogLog

    Web Counter :
    Free Web Logger

    User Tracker :
    Fast Online Users

    Powered by :
    Blogger Beta

    Best Viewed :
    1024 * 768