Thursday, April 26, 2007
Ayoko ng masyadong nag-iisip tungkol sa mga bagay bagay, lalo na kapag kailangan kong magdesisyon ng harap-harapan. Lagi kasing nangyayari yun sa akin, at minsan ay napapahamak (at napatatawa na rin) ako dahil sa mga naturang sitwasyon. Kapag tinatanong ako madalas ang sagot ko ay nasa gray areas, kaya naman sinasabi ko sa inyo na huwag na huwag niyo akong aasahan pagdating sa mga ganyan. Nung nagsaboy yata ng mga salita sa si Lord sa mundo, ang mga nakalap ko lang yata noon ay 'Hmm..' 'Ahh..' 'Ayos lang..' 'Pwede..' 'Hindi ko alam..' 'Ewan ko..' at lahat ng mga iba pang 'hindi siguradong' sagot na papasok dyan sa isip mo.
Kahit sa simpleng pagsabi ko ng order sa mga fastfood chain, hindi pa rin maiwasan na mapaisip ako ng malalim bago sabihin ang gusto kong bilhin. Nakikipag-usap din kasi ako sa kung kani-kanino habang nasa pila pa ako, para hindi ko maisip na matagal na kaming naghihintay doon. Ayan tuloy nalilimutan na rin kung ano yung bibilhin ko kaya naman wala na akong magawa kundi ngumiti na lang at minsan pa nakakatawanan ko na rin pati yung cashier na kaharap ko. Sayang nga lamang at hindi pa ganoon kalakas ang aking charm para malibre ako sa pagkain sa mga resto. Hanggang carinderia lang ang powers ko. Yuck cheap.
Maraming beses na rin yata akong napahamak dahil sa sakit (ganito ko na lang tatawagin) kong 'to, pero sorry hindi ko ito sasabihin. Sikretong malupit yun. Mabuti na lang hindi pa nangyayari sa akin ang mga pinakamalalang aksidenteng posible gaya na lang ng pag-crash ng eroplano, paglubog ng barko o pagbagsak ng mga meteors sa likodbahay namin, kundi baka wala na kayong mabasang post dito sa blog ko kundi isang epitaph na walang laman dahil hindi ko rin maiisip ang ipapalagay kung sakali. Pwede na siguro yung "Namatay dahil sa.." na message, wala na akong paki, tutal patay naman na ako. Pero malay natin, baka magbago pa isip ko.
Maski sa kahuli-hulihang pagkakataon bago ko ilathala ang post na 'to, nag-iisip pa rin ako kung hahabaan ko ba, kung English ba o Tagalog ang ipapabasa ko sa iyo at kung anong magandang pamagat slash titulo ng post na ito (Kita 'nyo na, sabi sa iyo eh). May draft muna kasi ako kapag gumagawa ng mga ganitong klase ng post, dahil siguro sa kakulangan sa oras para mag-isip ng maisusulat at dahil nga, tulad ng sinabi ko kanina dun sa itaas, ayoko ng masyadong nag-iisip sa mga bagay bagay.

Labels: 'mental'ity, sabaw