http://www.one.org





Monday, April 16, 2007

Extracting the Juice

Okay, since I started it all let's get this interrogation going.

Super Xienah
"kaninong babaeng blogista gusto mo magkaanak, ilan at ano ano ang pangalan?"

- Dear naman, alam mo na ang sagot ko dito: siyempre sa iyo. Mga pito, kaya mo ba? Medyo hirap ako mag-isip ng mga ibibigay na pangalan eh. Wala pa kasi sa mga plano ko yan. Ipapaubaya ko na lang sa iyo ang desisyon. :)

Tina
"if you're to choose to live the life of a person from history(napoleon, hitler... etc).. who would it be and why?"

- Jose Rizal. Local lang no? Haha. Well, I have always been curious about how he was still able to live his life 'happily' in spite of what he has gone through, that's why.

Jhed
"If you were given the choice to choose your gender.. what will it be and why?"

- As I have mentioned in a not-so recent post, I would like to be a girl. Well, you know the secret behind that, eh?. If not, do read this one. Mysteries, mysteries, mysteries. Hehehe.

Billycoy
"kung may itatanong ako sa iyo, ano ang tanong na iyon at ano ang isasagot mo sa tanong na iyon?"

- Ito: Pogi ba si Billycoy? At ang sagot ko: Siyempre naman.

Marchie
"pag me gift kayong pwedeng ibigay sa isang blogger friend, ano yun at kanino naman?"

- Siguro, isang lalaki (macho dancer) sa loob ng box. Yung parang sa bridal shower. Late na pa-birthday ko kay Super Xienah. Hehehe.

Mariel
"do you think that college education is for everybody? even those who can't make it? why or why not? :D"

- Before I answer this one, I have a hunch this is for a position paper eh? Just kidding. Well, it should be for everybody. We all have our right to have proper education, anyway so the government (or NGO's in that case) doesn't have a reason to give it to the rich people only. I am not going against them, though. They still have the decision to make.

Ikay
"bakit kaya may mga bagay na alam nating mali pero ginagawa parin natin?"

- Kasi, kapag ginawa natin ang tama, alam rin natin na lalo lang tayong masasaktan o makakasakit ng damdamin ng iba. Bigyan kita ng halimbawa: imbes na sabihin mo ang totoo, nagsinungaling ka. Yun ay dahil alam mo na masasaktan ang kausap mo oras na malaman niya ang katotohanan. Malabo ba? Sana hindi naman masyado.

Dan Hellbound
"In the name of Degeneration X, two words... Dream date?"

- Two words.. Rhian Ramos. (LOOL.)

Pam
"why loverboyparadigms..?!"

I have nothing to say about this one. Well, I was tagged 'loverboy' by one of my blockmates. The first post started it all, seriously. The word paradigms after that is nothing.

Aaronjames
"ikaw, may suggestion ka ba? haha. at tsaka bakit eroplano ang theme ng blog mo?"

- Wala akong suggestion eh. Haha. Kasi, pangarap ko dati ang maging piloto at mahilig din ako sa mga eroplano, thus lumipad at mapadpad kung saan saan. Kaso hanggang pasahero na lang ang maabot ko. Kaya dito ko na lang ibubuhos ang frustration na yun. Anyway, nag-iisip na rin akong palitan 'tong layout ko. Bulok na yata.

Iskoo
"para sa iyo, ilang araw ang katumbas ng isang blogging day? hehe. kapag ikay piloto na, saan mo gusto unang lumapag ang eroplano mo?"

- Ang isang blogging day ay isang earthday rin naman para sa akin. Hindi ako magiging piloto dahil hindi AE ang kinuha kong kurso. May restriction kasi na 20-20 vision kaya hanggang pangarap na lang yun. Pero, gusto kong bumalik sa Japan kung sakali man. Para sa lalapagan ng eroplano yun.

Jalbladder
"bakit hindi mo kami nililibre sa chowking considering na kayo ang may-ari nun? (kudos to tito arnel for that)"

- Pa-comment muna ano ha. Aba, may gimmick ka pa sa pangalan mong bata ka. Dinamay mo pa ang daddy dito hahaha. Well, wala ka naman kasing binibigay sa akin na formal letter of inquiry eh. Kailangan yun para makuha ang pinaka-aasam mong privilege na malibre sa ChowKing na yan. Kung gusto mo, pati yung bago naming promo na Trip to HK sponsored by Nestle.

Aya
"bakit ka nagbblog? paano nagsimula ang lahat? saan mo nakukuha ang mga ideas mo pag nagpopost ka? madalas kasi mahaba sila eh."

- Sa blog ko nilalabas ang lahat ng kalokohan, sama ng loob, kabiguan (ano ka sira?) at saloobin ko, bukod sa pakikipag-usap sa mga ka-close ko. Basahin mo ang unang unang post para may thrill naman. Pangatlo: Yun nga, mga saloobin ko lahat ng nababasa mo; maski ano pa yan. At oo, kahit fiction kasali. Mahaba sila dahil may draft ako bago i-publish, pwera na lang kung marami talaga ang creative juices ko para sa araw na yun.

Prongsy
"so, wala na bang gray areas?"

- Define your terms, please. Well kidding aside, hindi ko pa alam. Marami pa ring gumugulo sa buhay at isipan ko sa ngayon. May tatlong taon pa naman para maghintay, at alam akong MORE THAN WILLING ka na gawin iyon di ba (Wala akong balak magpatawa, seryoso to). Ipapaliwanag ko sa iyo ang lahat ng sagot sa iyong mga katanungan pagdating ng tamang panahon. (PI, ang drama yata ng sagot na 'to.) In the meantime, stop being emo.

TEA
"Cute ba ako? Joke. Lol. Kung nalulunod si G1, G2, at B1 at dalawa lang ang pwede mong iligtas sa kanilang tatlo, sinu-sino sila? At bakit?"

- Oo. Joke. Lol. Langya ka haha. Sa dami ng pwede mong itanong bakit ito pa? Mmmm. Si G2 na lang pwede? Bahala na si B1 at G1 magligtas sa sarili nila hahaha. Seriously, baka sila G1 at G2. Kasi, mas close talaga ako sa mga babae. Para bang hindi ko sila matanggihan, ganun. Alam ko namang maiintindihan yun ni B1 sakali man. Pero siguro kung mangyayari ito sa tunay na buhay, wala akong maliligtas. Gago ako eh, matagal mag-isip. Lunod na sila bago ako makapagdesisyon kung sino ililigtas ko. Mabuti pa siguro ako na lang ang iligtas nila. Hahaha. Pasensya sa sagot.

Padre Salvi
"1. What is the essence of being a blogger? 2. Bakit nakakaexcite makita in personal ang mga bloggers? 3. Kung ang blog ay ibang bagay, saan mo ito ipapangalan? (example: blog = tawag sa lines ng scrollbar) 4. Anung personality ang kakikitaan sa mga bloggers ni general? Kung baga, it describes us all. 5. Sino kaya ang BIG 4 sa PBB Season 2? Bakit?"

- 1. As a blogger yourself, you should know that. Hehe. Wala lang maisip, pasensya na. 2. Kasi, iba yung pakiramdam na makikita mo kung sino ang misteryosong (or misteryosa, if that is the case) persona sa likod ng bawat entry na nababasa natin sa blogs nila. Alam mo yun, ikaw pala si ganito, ang galing mo magsulat, at kung anu ano pang pwede mong sabihin. 3. Blog. Naiisip ko lang ang blockmates ko dito eh, dun na lang siguro sa 'block' ko. Hehe. Pangit na sagot yata. 4. Bloggers are creative. Kahit ordinaryong araw lang nagagawa nating isang post agad, gamit ang mga matatalim nating pag-iisip at pagkamalikhain. Yun bang nata-transform ang bawat eksena kaya nakakarelate ang mga mambabasa sa paraang naisip ng blogger at napapa-comment sa bawat saloobin na inilabas ng blogger para mabasa ng lahat. Ayos ba? Hehe. 5. Ewan ko hehe. Di kasi ako nanonood ng PBB eh. Pasensya ka na at wala akong sagot dito.

Rex
"Name Your Top 3 favorite bloggers whom you dont know personally, and tell us why you love reading their blogs."

- Here are my favorites: (no biases, I really don't know them personally)
[Plus, take note: I count 'knowing personally' when I already saw them in person.]

  • Tina - She has a LOT of juices. She's very expressive, and every post that I read in her blog is quite interesting. Yes, even the random ones. She has great reviews in her EspressoBreak too.

  • Super Xienah - Well, who do we have here? Her interesting posts surely capture the attention of people passing by her blog. The caricature of a woman with the word 'SuperX' under it will surely make you wonder. As a song says: 'She knows what she's doing.' (which happens to be true.) Well, I would love to know her personally, too.

  • Eric - He has a veery informative blog, and that solely explains it.


  • LA
    "Bakit ang tahimik mo nung PBA'07???"

    - Kaya ako tahimik nun kasi nangingilatis pa ako ng mga blogger na nakita ko doon sa RCBC. Besides, bigtime yung iba eh kaya hinintay ko na lang muna sila Billycoy na pwede pang makausap. Hehe. Alam mo na, kailangan magpakabait muna sa paningin ng iba. Haha. Ayun. Hayaan mo, next time mag-iingay na ako.

    Joy
    "if you are a cactus, why?"

    - If I were a cactus, that is because I am not anything else you could possibly think of. :)

    Sherma
    "fired na ba ako dahil hindi na ako pumapasok sa trabaho? if ever na fired na nga ako, paano mo gustong mawala ang iyong airplane?! hahaha! bakit ka kuha pati ng kuha ng susi ng blog ko?! saan ka nagpapaduplicate?"

    - Hindi kita sisipain sa trabaho dahil likas ang pagkamabait ko. (O di ba?) At siyempre, dahil ako lang naman ang 'boss' mo, dapat ay mayroon ako parating access sa blog mo. Kaya naman mayroon akong duplicate ng susi mo. Trabaho lang.

    thejoketh
    "sinong lalaking blogista ang gusto mong maging tatay ng magiging anak mo? ilang beses kayong gagawa ng anak?"

    - Gusto mong masuntok? Hehe, biro lang. Lalaki ako at hindi ako papatol sa kapwa ko lalaki, kaya naman wala akong magiging anak sa lalaking blogista. Labo. LOL.

    There goes the question and answer portion of this blog, if you still have some complaints about my answers (dissatisfacton, etc.) do comment. I will surely answer them back, as soon as I read them.

    Labels:

    flight scheduled at 3:33:00 PM
    |

    THE PILOT


    Yahoo Online Status Indicator
    Arnel C. Uyaco Jr.
    Sixteen Seventeen years old.
    UP Manila Sophomore.
    An alleged loverboy.
    A pilot of my dreams.


    TIME CHECK





    THE LOGBOOK

















    LATEST FLIGHTS












    TICKET FARES




    FULLY BOOKED

    THE PASSENGERS



    DESTINATIONS



    CRASH-LANDINGS



    THANK YOU FOR FLYING

    Creator :
    Blavered-INC

    Image Hosts :
    Photobucket, ImageShack

    Header :
    Billycoy Dacuycuy

    Brushes :
    DeviantART

    Tagboard :
    Cbox

    BlogRoll :
    BlogRolling

    Clock :
    ClockLink

    Avatar :
    Zwinky

    Status Indicator :
    Online Status

    Comments & Trackback :
    HaloScan

    Reader Community :
    MyBlogLog

    Web Counter :
    Free Web Logger

    User Tracker :
    Fast Online Users

    Powered by :
    Blogger Beta

    Best Viewed :
    1024 * 768