http://www.one.org





Saturday, May 05, 2007

Dancing at the Ball

In behalf of my blog, I apologize to you, dear readers (if you still read my entries) for being away for such a long time. Summer has been killing me lately.

And aside from that, I had the privilege to be a guestblogger in Kuya Chico's Blog. Do not expect a long entry because I need not explain what you're supposed to do to be able to read it.

GO TO KUYA CHICO's BLOG. NOW.

CLICK HERE.

Well, then I guess I must now start honing my writing skills. Mind you, my guestblog is in Tagalog, not my usual 'forte.' Still, do comment anyway.

Labels: , ,

flight scheduled at 8:08:00 PM
|


Saturday, April 21, 2007

Give It Up

Sa mga panahong ganito na summer na at malapit na rin ang eleksyon (at ang birthday ko rin pala, papansin lang), usong uso na naman ang mga patayan, holdapan, nakawan, bentahan ng droga, laman, at kung anu ano pa. Karamihan sa mga ito ay nagaganap sa Padre Faura, isang sikat na kalye sa lungsod ng Maynila. Dahil nagiging talamak na ang mga ganitong sitwasyon, kailangan na nating tawagin muli at buhayin ang mga dakilang tagapagtanggol ng 'Mahal kong Maynila', ang mga Faura Rangers!

Red Ranger - Tinaguriang pinuno ng grupo (kahapon lang namin siya nahirang), siya ang pinakamatindi mag-isip ng parusa sa mga kampon ng kasamaan. Inaaway si Green Ranger kapag magkakasama silang lima, at malakas bumanat at humirit ng mga uber sa galing na timing at straight-to-the-point na mga panunukso sa kung sino sino. Dahil diyan, ito na rin ang naging main weapon niya laban sa mga masasamang loob, taste the power of the 'Shadow Word.'

Yellow Ranger - Kanang kamay daw ni Red Ranger, ngunit kahit kanang kamay lang, siya ang naghahari-harian sa grupo. Siya naman ang mortal na kaaway ni Blue Ranger tuwing magkakasama ang lima. Napakabanal na tao raw niya, kaya maraming sumusunod sa mga pangaral na ipinagkakalat niya. Dahil doon, ang gamit niya naman laban sa mga masasamang loob ay ang kanyang 'Holy Word,' bukod sa kanyang charisma sapagkat siya ay isang alagad diumano ng kabutihan, isa siyang 'pastor.'

Blue Ranger - Siya naman ang pinakatahimik na miyembro ng grupo, pero nung una lang iyon. Mula ng makalabas galing sa mapait na mundo ng kadiliman (hindi literal), bigla na lang lumabas ang mga salita sa kanyang bibig at nawala ang 'Curse of the Silent.' Ngunit wag kayong mag-alala mga kalaban namin, sapagkat hindi ito ang kanyang superpower, kundi ang kanyang napakamakapangyarihang 'Finger of Death.' Siya nga rin pala ang pinakama-'L' sa grupo, ayon kay Yellow Ranger na mortal nga niyang kaaway.

Green Ranger - Siya ang pinakamaliit na miyembro ng grupo. Maliit ang sulat, maliit ang boses, maliit na rin daw ang lahat ayon kay bosing Red Ranger. Mahilig din daw siya sa mga maliit, sabi ng iba. Akala niyo lang madali siyang kalaban pero wag niyong maliitin iyan dahil walang dudang napakalakas ng kanyang superpower: ang 'Scream of Pain.' Swerte pa namin kung bading ang makakalaban, sapagkat tinagurian din siya bilang isang Super G-Vac o gay vacuum.

Pink Ranger - Masasabing isa siyang 'bading' slash bading-badingan dahil kalalaking tao ay nagsusuot ng pink na costume at mahilig tumingin sa mga boys kasama ni Green Ranger. Mahilig din mang asar kay Green Ranger kasama ni Red Ranger, at madalas katawanan ng grupo. Marunong rin siyang magpalit-palit ng boses ng kung sino sinong tao dito sa mundong ibabaw. At dahil doon, gamit niya na rin itong panlaban sa masasamang loob upang matakot sila sa kanilang pinaggagawang mga kalokohan, at tinawag itong 'Voice Morph.'

Kaya ikaw, kung sino ka man na nangangailangan ng tulong namin at nasa Maynila ka na rin lang, kami na ang hanapin mo. Basta may makita kang limang lalaki na nakasuot ng Tshirts na may kulay gaya ng mga nasa itaas, at nagtatawanan, tiyak na kami yun. Sakali mang hindi mo kami makita, sumigaw ka lang ng: "DoTA!!!" Pwede ring hanapin mo kami sa PJ Mansion, sa CAS, CAMP, basta sa vicinity ng Padre Faura St. Ermita, Manila. Matatagpuan din ang mga Rangers sa mga 7-Eleven shops na makikita mo. Chambahan mo na lang kung saan kami tumatambay sa oras na kailangan mo kami. Humanda na kayo mga bad guys and gays! Go Go Faura Rangers!

Labels: , ,

flight scheduled at 1:30:00 PM
|


Monday, April 16, 2007

Extracting the Juice

Okay, since I started it all let's get this interrogation going.

Super Xienah
"kaninong babaeng blogista gusto mo magkaanak, ilan at ano ano ang pangalan?"

- Dear naman, alam mo na ang sagot ko dito: siyempre sa iyo. Mga pito, kaya mo ba? Medyo hirap ako mag-isip ng mga ibibigay na pangalan eh. Wala pa kasi sa mga plano ko yan. Ipapaubaya ko na lang sa iyo ang desisyon. :)

Tina
"if you're to choose to live the life of a person from history(napoleon, hitler... etc).. who would it be and why?"

- Jose Rizal. Local lang no? Haha. Well, I have always been curious about how he was still able to live his life 'happily' in spite of what he has gone through, that's why.

Jhed
"If you were given the choice to choose your gender.. what will it be and why?"

- As I have mentioned in a not-so recent post, I would like to be a girl. Well, you know the secret behind that, eh?. If not, do read this one. Mysteries, mysteries, mysteries. Hehehe.

Billycoy
"kung may itatanong ako sa iyo, ano ang tanong na iyon at ano ang isasagot mo sa tanong na iyon?"

- Ito: Pogi ba si Billycoy? At ang sagot ko: Siyempre naman.

Marchie
"pag me gift kayong pwedeng ibigay sa isang blogger friend, ano yun at kanino naman?"

- Siguro, isang lalaki (macho dancer) sa loob ng box. Yung parang sa bridal shower. Late na pa-birthday ko kay Super Xienah. Hehehe.

Mariel
"do you think that college education is for everybody? even those who can't make it? why or why not? :D"

- Before I answer this one, I have a hunch this is for a position paper eh? Just kidding. Well, it should be for everybody. We all have our right to have proper education, anyway so the government (or NGO's in that case) doesn't have a reason to give it to the rich people only. I am not going against them, though. They still have the decision to make.

Ikay
"bakit kaya may mga bagay na alam nating mali pero ginagawa parin natin?"

- Kasi, kapag ginawa natin ang tama, alam rin natin na lalo lang tayong masasaktan o makakasakit ng damdamin ng iba. Bigyan kita ng halimbawa: imbes na sabihin mo ang totoo, nagsinungaling ka. Yun ay dahil alam mo na masasaktan ang kausap mo oras na malaman niya ang katotohanan. Malabo ba? Sana hindi naman masyado.

Dan Hellbound
"In the name of Degeneration X, two words... Dream date?"

- Two words.. Rhian Ramos. (LOOL.)

Pam
"why loverboyparadigms..?!"

I have nothing to say about this one. Well, I was tagged 'loverboy' by one of my blockmates. The first post started it all, seriously. The word paradigms after that is nothing.

Aaronjames
"ikaw, may suggestion ka ba? haha. at tsaka bakit eroplano ang theme ng blog mo?"

- Wala akong suggestion eh. Haha. Kasi, pangarap ko dati ang maging piloto at mahilig din ako sa mga eroplano, thus lumipad at mapadpad kung saan saan. Kaso hanggang pasahero na lang ang maabot ko. Kaya dito ko na lang ibubuhos ang frustration na yun. Anyway, nag-iisip na rin akong palitan 'tong layout ko. Bulok na yata.

Iskoo
"para sa iyo, ilang araw ang katumbas ng isang blogging day? hehe. kapag ikay piloto na, saan mo gusto unang lumapag ang eroplano mo?"

- Ang isang blogging day ay isang earthday rin naman para sa akin. Hindi ako magiging piloto dahil hindi AE ang kinuha kong kurso. May restriction kasi na 20-20 vision kaya hanggang pangarap na lang yun. Pero, gusto kong bumalik sa Japan kung sakali man. Para sa lalapagan ng eroplano yun.

Jalbladder
"bakit hindi mo kami nililibre sa chowking considering na kayo ang may-ari nun? (kudos to tito arnel for that)"

- Pa-comment muna ano ha. Aba, may gimmick ka pa sa pangalan mong bata ka. Dinamay mo pa ang daddy dito hahaha. Well, wala ka naman kasing binibigay sa akin na formal letter of inquiry eh. Kailangan yun para makuha ang pinaka-aasam mong privilege na malibre sa ChowKing na yan. Kung gusto mo, pati yung bago naming promo na Trip to HK sponsored by Nestle.

Aya
"bakit ka nagbblog? paano nagsimula ang lahat? saan mo nakukuha ang mga ideas mo pag nagpopost ka? madalas kasi mahaba sila eh."

- Sa blog ko nilalabas ang lahat ng kalokohan, sama ng loob, kabiguan (ano ka sira?) at saloobin ko, bukod sa pakikipag-usap sa mga ka-close ko. Basahin mo ang unang unang post para may thrill naman. Pangatlo: Yun nga, mga saloobin ko lahat ng nababasa mo; maski ano pa yan. At oo, kahit fiction kasali. Mahaba sila dahil may draft ako bago i-publish, pwera na lang kung marami talaga ang creative juices ko para sa araw na yun.

Prongsy
"so, wala na bang gray areas?"

- Define your terms, please. Well kidding aside, hindi ko pa alam. Marami pa ring gumugulo sa buhay at isipan ko sa ngayon. May tatlong taon pa naman para maghintay, at alam akong MORE THAN WILLING ka na gawin iyon di ba (Wala akong balak magpatawa, seryoso to). Ipapaliwanag ko sa iyo ang lahat ng sagot sa iyong mga katanungan pagdating ng tamang panahon. (PI, ang drama yata ng sagot na 'to.) In the meantime, stop being emo.

TEA
"Cute ba ako? Joke. Lol. Kung nalulunod si G1, G2, at B1 at dalawa lang ang pwede mong iligtas sa kanilang tatlo, sinu-sino sila? At bakit?"

- Oo. Joke. Lol. Langya ka haha. Sa dami ng pwede mong itanong bakit ito pa? Mmmm. Si G2 na lang pwede? Bahala na si B1 at G1 magligtas sa sarili nila hahaha. Seriously, baka sila G1 at G2. Kasi, mas close talaga ako sa mga babae. Para bang hindi ko sila matanggihan, ganun. Alam ko namang maiintindihan yun ni B1 sakali man. Pero siguro kung mangyayari ito sa tunay na buhay, wala akong maliligtas. Gago ako eh, matagal mag-isip. Lunod na sila bago ako makapagdesisyon kung sino ililigtas ko. Mabuti pa siguro ako na lang ang iligtas nila. Hahaha. Pasensya sa sagot.

Padre Salvi
"1. What is the essence of being a blogger? 2. Bakit nakakaexcite makita in personal ang mga bloggers? 3. Kung ang blog ay ibang bagay, saan mo ito ipapangalan? (example: blog = tawag sa lines ng scrollbar) 4. Anung personality ang kakikitaan sa mga bloggers ni general? Kung baga, it describes us all. 5. Sino kaya ang BIG 4 sa PBB Season 2? Bakit?"

- 1. As a blogger yourself, you should know that. Hehe. Wala lang maisip, pasensya na. 2. Kasi, iba yung pakiramdam na makikita mo kung sino ang misteryosong (or misteryosa, if that is the case) persona sa likod ng bawat entry na nababasa natin sa blogs nila. Alam mo yun, ikaw pala si ganito, ang galing mo magsulat, at kung anu ano pang pwede mong sabihin. 3. Blog. Naiisip ko lang ang blockmates ko dito eh, dun na lang siguro sa 'block' ko. Hehe. Pangit na sagot yata. 4. Bloggers are creative. Kahit ordinaryong araw lang nagagawa nating isang post agad, gamit ang mga matatalim nating pag-iisip at pagkamalikhain. Yun bang nata-transform ang bawat eksena kaya nakakarelate ang mga mambabasa sa paraang naisip ng blogger at napapa-comment sa bawat saloobin na inilabas ng blogger para mabasa ng lahat. Ayos ba? Hehe. 5. Ewan ko hehe. Di kasi ako nanonood ng PBB eh. Pasensya ka na at wala akong sagot dito.

Rex
"Name Your Top 3 favorite bloggers whom you dont know personally, and tell us why you love reading their blogs."

- Here are my favorites: (no biases, I really don't know them personally)
[Plus, take note: I count 'knowing personally' when I already saw them in person.]

  • Tina - She has a LOT of juices. She's very expressive, and every post that I read in her blog is quite interesting. Yes, even the random ones. She has great reviews in her EspressoBreak too.

  • Super Xienah - Well, who do we have here? Her interesting posts surely capture the attention of people passing by her blog. The caricature of a woman with the word 'SuperX' under it will surely make you wonder. As a song says: 'She knows what she's doing.' (which happens to be true.) Well, I would love to know her personally, too.

  • Eric - He has a veery informative blog, and that solely explains it.


  • LA
    "Bakit ang tahimik mo nung PBA'07???"

    - Kaya ako tahimik nun kasi nangingilatis pa ako ng mga blogger na nakita ko doon sa RCBC. Besides, bigtime yung iba eh kaya hinintay ko na lang muna sila Billycoy na pwede pang makausap. Hehe. Alam mo na, kailangan magpakabait muna sa paningin ng iba. Haha. Ayun. Hayaan mo, next time mag-iingay na ako.

    Joy
    "if you are a cactus, why?"

    - If I were a cactus, that is because I am not anything else you could possibly think of. :)

    Sherma
    "fired na ba ako dahil hindi na ako pumapasok sa trabaho? if ever na fired na nga ako, paano mo gustong mawala ang iyong airplane?! hahaha! bakit ka kuha pati ng kuha ng susi ng blog ko?! saan ka nagpapaduplicate?"

    - Hindi kita sisipain sa trabaho dahil likas ang pagkamabait ko. (O di ba?) At siyempre, dahil ako lang naman ang 'boss' mo, dapat ay mayroon ako parating access sa blog mo. Kaya naman mayroon akong duplicate ng susi mo. Trabaho lang.

    thejoketh
    "sinong lalaking blogista ang gusto mong maging tatay ng magiging anak mo? ilang beses kayong gagawa ng anak?"

    - Gusto mong masuntok? Hehe, biro lang. Lalaki ako at hindi ako papatol sa kapwa ko lalaki, kaya naman wala akong magiging anak sa lalaking blogista. Labo. LOL.

    There goes the question and answer portion of this blog, if you still have some complaints about my answers (dissatisfacton, etc.) do comment. I will surely answer them back, as soon as I read them.

    Labels:

    flight scheduled at 3:33:00 PM
    |


    Tuesday, April 10, 2007

    One on One

    Greetings, fellow bloggers!

    In this post, feel free to ask a question (or a series of questions) about basically, anything - or maybe my personal life. Obviously, I couldn't think of a topic from this 'boring' life of mine, that's why this entry which you are reading right now is perhaps, short.

    Before I end this anyway, all the questions will be answered in the next update, probably after five (5) to seven (7) blogging days. Well, the comment box is waiting. And so am I.

    *sorry for the late update anyway.

    Labels:

    flight scheduled at 11:30:00 PM
    |


    Saturday, February 10, 2007

    Hand of Mass Destruction

    I'm the culprit.
    [ Author's note: If you are going to read this entry, read it from the start or else, everything will be spoiled. ]

    Sabado, malapit nang mag-alas nueve y media ng gabi.

    Tahimik akong nagbabasa ng isang aklat sa sala ng aming tahanan nang biglang may lumapit at sumubok na mang-istorbo sa akin. Sa pag aakalang aalis rin siya matapos ang ilang sandali, hindi ko lang muna siya pinapansin, at itinuloy ko lamang ang aking pagbabasa. Ngunit hindi niya pa rin talaga ako tinitigilan, kaya naman sinubukan kong itaboy na lamang siya at lumipat na rin ako ng pwesto upang doon na lamang matiwasay na ituloy ang naudlot na babasahin.

    Ilang minuto na rin ang nakalipas, muli ko siyang nakitang papunta sa direksyon ng aking kinauupuan. Napagtanto kong nais niya talagang guluhin ang aking katahimikan, sapagkat kahit anong taboy ang aking gawin ay ayaw niya pa rin akong tigilan. Sinubukan ko siyang hampasin ng tangan kong libro, ngunit agad siyang nakaiwas. Ilang beses ko ring sinubukang hampasin siya, ngunit tila yata alam na niya kung saang direksyon ko ibabaling ang aking kamay upang paluin siya. Dahil doon, pinalipas ko pa rin ang kanyang pangungulit sa akin at hinayaan na lamang muna siya roon sa aking tabi.

    Ngunit hindi nagtagal at napikon na rin ako sa kanyang presensya. Pinakiramdaman ko ang bawat kilos niya habang naroon pa siya sa tabi ko. Inihanda ko na ang aking kanang kamay upang subukan ang aking masamang balak sa kahuli-hulihang pagkakataon. Matapos kong umipon ng buwelo at lakas, inabangan ko siya at tuluyan nang lumapat na ang aking kamay sa malamig at matigas na salamin ng lamesa. Isang malakas na lagabog ang narinig.


    BLAAAAAAAAG!!


    Umalingawngaw sa buong bahay ang tunog ng ubos-lakas na palo ko sa lamesa. Halos mabasag ang salamin nito, at tuluyan na ngang nabasag ang katahimikan ng paligid. Tinamaan ko siya sa kanyang ulo, at mabilis na dumanak ang kanyang dugo sa aking kamay. Pinagmasdan ko muna siya sandali. Naroon siya, nakahandusay sa lamesa, naliligo sa sarili niyang dugo. Matapos kong itapon ang kanyang bangkay at hugasan ang aking duguang mga kamay, lihim akong napangiti at nasabi ko na lamang sa aking sarili:

    "Patay kang lamok ka."

    Labels: , ,

    flight scheduled at 9:37:00 PM
    |


    Monday, January 29, 2007

    Echoes from the Alterego

    [ I'm warning you. This is a post about pure nonsense, something not worth your time reading. If I were you, I'd rather close the window or read some other blog entries right after reading this opening sentence. Still, it's up to you if you want to continue your suffering. ]










    STOP READING THIS ALREADY.










    If you try to continue reading this entry, the thought of closing this IE (or Firefox) window earlier will haunt you until you sleep. Insomnia will bother you for several days, or worst, forever. You don't want something like that to happen, do you? I know you don't want to, so stop this nonsense.

    Wala lang talaga akong magawa kaya itong post na 'to ang tumambad sa harapan ng monitor ng PC ninyo. Isang walang kwenta at hindi man lamang pinaghandaan na blog entry, sapagkat ang utak ko ay sabaw na sabaw sa mga pangyayari ngayong araw na ito. Marahil nga't halos pitong oras lamang kaming nanatili sa loob ng eskwelahan, ngunit marami pa ring maaaring mangyari. Tulad na lang ng... Wag na lang siguro, pag kinwento ko pa lalo lang itong hahaba. Lalo ka lang tatamaring basahin ito kung ganon, di ba? Kaya yun nga, wag na lang.

    But if you insist, there is a high (when I say high, its really high) probability that you'd get crazy over this post and take a little walk at PGH, in the dreaded hallway of ward seven, to be exact. Or you could try and look for 'Ederlyn' and 'ChonaMae' in Friendster to temporarily escape the realm of this entry and relax your dying brain cells a bit. Perhaps it's just nosebleed that's trying to kill you right now.

    Kung sino ka mang nagbabasa, nahihilo ka na siguro sa halo-halong ingles at tagalog dito, at wala ka man lang makitang relasyon o coherence (salamat sa teacher ko sa technical writing nung high school, meron pa akong naalala sa mga tinuro niya) sa pagitan ng mga talata (yes nalaman ko na ulit yung tagalog ng paragraph!) ng post na ito. Kung hindi ako nagkakamali, nais mo nang tigilan ang pagbabasa nito, ngayon pa lang. Maski sina Ederlyn at ChonaMae, mga walang kamalay-malay na nilalang ay napagdiskitahan ko na. Baka tinigilan mo na rin habang binabasa mo pa lang ang ingles na parte nito, at hindi mo na siguro inabutan ang parteng ito. Kung umabot ka man dito, marahil ay nasabaw ka na at gusto mo na ring tigilan ang pagbabasa nito, dahil maski ang tagalog ko ay walang kakwenta kwenta. O baka nabaliw ka na ng tuluyan at nais mo na ring sumama sa amin sa ward seven. Hehehe.

    Better yet, you could just kill yourself with a knife, but that happens to be the corniest thing that you could have ever done in your entire life. I'd prefer dying in a freak accident rather than committing suicide. I don't want to die because of sickness, either. Hey, why are you still reading this, anyway?

    Siguro nga, nais mo nang magpakamatay matapos basahin ito, pero huwag! Huwag mong gagawin yan (lalo na kung blogger ka), sapagkat marami ka pang maaaring gawin sa mundong ito, bata ka pa (kung hindi na, yun na lang ang isipin mo) at marami pang nagmamahal sa iyo, at mas marami pa yan kung sakaling mayaman ka. Kung sakali lang naman. Pero siguro, gusto mo na akong hanting-in upang ako na lang ang iyong patayin dahil sa pagpapahirap ko sa iyo para lamang mabasa ang blog entry na ito. Di ba? Wag ka na mahiya, baka nga pati Friendster Account ko hanapin mo para lamang malaman kung taga-saan talaga ako at kung ano ang itsura ko eh. Pero bago mo magawa yun, tiyak na may nauna na sa iyo. (At sinisiguro ko sa iyo, kung sino man iyon, siya yung pinaka unang (at pinakamalas na rin) nagbasa ng entry na 'to.)

    Anyway, you're just wasting your time if you even had the urge to continue up to this last paragraph. Why not hover the cursor over one of the 118 (and counting) more interesting links at the sidebar and quit reading this crap. Or maybe you could just play with the drawing board, the flash movies and the tagbox (flood it with colored posts, if you know how to do it) found at the sidebar, or play with the falling snowflakes, just to compensate for the time (about twenty minutes) and patience that you spent waiting for this page to load and understanding this blog entry. You could also listen to the songs in the mini-mp3 player, if you want to [well, you don't have a choice, unless you muted the volume of the speaker or stopped the player itself]. I know you have more important things to do, so do them now; before you break out.

    Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko at ito ang ginawa ko. Siguro sa sobrang kakagamit ko ng ingles sa mga dati kong post ang dahilan sa likod nito. O marahil epekto lang ito ng 'spokening dollar' ni Heneroso sa kanyang Multiply (wag kang mag alala, hindi ko ilalagay yung link). Sobrang konyo na rin siguro, o baka LSS lang sa Love Team ng Itchyworms na tumagal ng isang linggo, o baka sadyang abnormal na nga talaga ako. Siguro, habang binabasa mo ito ay wala na ako sa mundong ito, isa nang malamig na bangkay at tumitingin na lang sa mga blog ninyo mula sa itaas. Pero sana naman hindi. Hehehe.

    *or you could just press Ctrl+A to see the whole post. (that would make you spend more time to go back to the first part and read this over again. but hey, why bother right?)

    Labels: , ,

    flight scheduled at 7:04:00 PM
    |


    Thursday, January 25, 2007

    Unbelievable

    Perhaps this was the worst forty minutes of my whole week.

    7:50 AM. Fresh Start.

    The thought of coming early for the make-up class in Physics 21 continued to bother me. I was still browsing for sources in our research paper for Comm II but then I have to be in school by 8:30. Concerned about the schedule, [I cannot remember where RH 115 was, that's why I wanted to get there early] I turned off the PC and started to put in my bag all the necessary things for the day. [or maybe not..]

    8:00 AM. Paranoid.

    After fixing my things, I rushed outside to take a jeepney ride. While waiting impatiently for the slow elevator, I took a glance at my watch. I still have twenty minutes to spare, but I wanted to get to school as early as possible. I decided to use the stairs, [a little exercise, plus I was just on the third floor of the building anyway] greeted some people on the way, and at last, got out of the IRTC building. Running fast, now, running faster.

    8:13 AM. Daydreaming.

    With the six pesos in my hand, I took a jeepney ride to school. As I got down to Padre Faura, something struck me from within. Something, weird. I was checking my pockets, whether I left my phone, or perhaps a ballpen, or maybe a twenty-peso bill. But no, of all things: I LEFT MY WALLET. After waiting for the stoplight to turn red, I immediately crossed the street, as I was also running for the jeepney that was waiting for passengers at the corner. I got down again at Ayala, met some familiar faces and went back to my room to get the damn wallet. 8:15 AM. I still have some time.

    8:17 AM. A Second Attempt.

    There I was again at the corner of Ayala Boulevard, the lane that divides PNU and TUP into to sections; waiting once again for another jeepney to take me back to where I came from, the street of Padre Faura. While inside, I thought of the fact that it is indeed, Thursday today. It's bowling day. Sure I had the money already in my wallet, but still..

    I WAS NOT ABLE TO PUT MY PE SHIRT INSIDE MY BAG.

    I got down immediately at Kalaw and ran as fast as I could towards the mini-tunnel to Adamson University, and mingled with the huge crowd of mixed white and blue uniforms of the students, not minding the fact that I was the only one who does not wear such. Not minding the bumps along the way, I had to go back to the dormitory for the second time around.

    8:27 AM. Faster now, faster.

    Late now, hurrying, hurrying.

    For the second time now, I saw myself again inside a jeepney, spending another six pesos for the fare. Traffic wanted to scare me, but It din't. But still there's a fact that happened to be one more thing to worry about. As I walked towards the gate of CAS, I was about to get my wallet only to find out that MY ID WAS NOWHERE TO BE FOUND IN THE WALLET. Just as I turned around, I saw our professor in Physics 21 come in. Now I really must hurry.

    8:30 AM. At last.

    After a third attempt of going back and forth from UP and the dormitory, I was running late for class. As I hurried for RH115 [and still wondering where that room was] I was able to see a blockmate and ask her where to go. Professor Robidillo's [Chem 14.1] infamous 'misplaced' eyeglasses and beautiful smile just brightened up my day.

    As I entered the classroom, I was half-disappointed and at the same time thrilled to see only four, five, six or so people inside the vast classroom deprived of chairs and a single table leg, RH 115. After all those running and scrambling earlier in the day, the few minutes of fun and more fun was able to compensate for my tiresome efforts. Good thing I wasn't late. Still, I was able to learn my lesson: never to leave valuable things unattended. ;)

    Labels: , ,

    flight scheduled at 11:33:00 PM
    |


    Friday, January 05, 2007

    'Heaven in Ward Seven'

    [ The following entry which you are about to read is absolutely fictional. The names are all created in the mind of the author, OR suggested by his friends and relatives. If you happen to be the owner of one of the names, do react immediately. This post is just a 'letter' by a former patient of Ward 7, who found heaven in the company of his fellow patients. Do not get carried away, or else.. you know. ]

    Dear MamSir/SirMam/Staff/Doctors/Nurses/Patients:

    Mabuhay, ako po ito, ang pinaka-mabait niyong pasyente sa ward 7 limang taon na ang nakalilipas, si Muymuy.. Bago ang lahat, belated happy new year at advancd merry christmas na para sa taong ito. Sumulat po ako dahil wala lang, naalala ko kayo nung nagmumuni-muni ako dito sa bahay.

    Kumusta na po kayo dyan? Ako, heto ayos naman po, nakahanap na po ako ng isang butihing asawa na tanggap ang buong pagkatao ko.. Pero parang kulang pa rin po ang buhay ko,tila ba hinahatak ako pabalik sa dati kong tahanan, kung saan marami akong nakikitang mga kamangha-manghang mga bagay na hindi ko na nakikita ngayon. Nami-miss ko na po kayo lahat dyan.

    Naalala ko pa nga po ang mga batuhan namin ng filler ng ballpen na binali para lamang magkalat ng tinta sa aming mga katawan at sa buong kwarto namin para lamang pahirapan ang buwisit na tagapaligo namin, ang mga 'wrestling' matches na ginagawa ng aking mga kapwa na lalaki na mistulang mga superstar sa kanilang daigdig, kahit na hindi pa nagkakantian ay mayroon nang nanalo dahil sa referee naming uto uto. Lalo na rin po yung mga tahimik na away ng ibang mga pasyente dun, grabe nakakabingi talaga yun. Tumatagal pa ng dalawang oras yun. Naalala ko pa rin po ang mga oras na pinapayagan niyo kaming lumabas ng kwarto upang makapaglibot-libot sa PGH na parang isang museum na bago sa aming mga paningin. Pati na rin po yung mga gumagawa ng mga party paminsan-minsan dito sa atin, aba dun po ay mukhang mga bida kami, kahit ano ang gawin namin, pinapalakpakan kami, mas maganda pa binibigyan kami ng premyo. Hehehe.

    Syanga po pala, naririyan pa ba si Eric? Sya po yung nagpapayong sa gitna ng kwarto namin para daw harangan yung ilaw, pero balak magbasa kahit madilim, nagbago na ba siya? Nami-miss ko na rin po si Jolens, yung babaeng sinasampal-sampal lang namin at ginagawang punching bag pero ayos lang sa kanya, sa pag-aakalang senyales iyon ng aming pagmamahal para sa kanya. Pati rin pala si Johnny Boy, bigla kong naalala. Siya naman po yung nagsisindi ng kandila tuwing bagong taon, at nagtatakip ng tenga habang hinihintay na maupos ito at sumabog diumano na parang whistle bomb. Nandyan pa po ba siya? Eh si Patrick po, nariyan pa ba? Yung kumakanta ng 'My Way' sa lumang videoke natin na nagloloko, kahit na tahimik siyang kumakanta eh 100 pa rin ang score nya?! Nakakainis talaga yun, samantalang ako maganda ang boses 30 lang ang nakukuha ko dun. Sinungaling. Pero ayos lang po, tanggap ko na yun. Si Karlita po, hindi pa rin ba na-release? Aba, eh nauna pa akong makalabas sa kanya ah. Sabi niya dati, ire-release na siya sa susunod na linggo pero lumipas na ang isang buwan andun pa rin siya. Ilusyonada talaga yung babaeng yun. Siya rin po yung super itim na babae na umiinom ng isang kutsarang Nivea Moisturizing Milk para daw pumuti siya, nakakatawa talaga. Sana alam niya na ngayon na three times a day dapat yun iniinom para tumalab.

    Sana po ay marunong din makipag-coooperate ang mga bago niyong pasyente dyan ano? Baka nga yung mga dati kong kilala nandyan pa rin eh. Alam niyo namang ako lang, ako lang ang binigyan niyo ng most 'special' award sa amin eh. Tandang tanda ko pa nung Christmas Party bago ako i-release binigay yan eh. Ay, Christmas Party ba 'yun? Basta, depesdida yata yun, ewan ko. At dahil dyan sa award na yan, tanggap agad ako sa piang-applyan ko ng trabaho, yun bang nagsusulat ng balita sa dyaryo. Aba, ang laki ng kita nung printing press na yun dahil sa akin ah! Pero company's secret na lang yun kung bakit malakas kami bumenta.

    Sana po talaga magkaroon ako ng oras para dumalaw dyan sa inyo, nami-miss ko na talaga ang mga tao dyan, lalo na rin si miming, yung pusa dun sa may bintana na hindi naman masyadong gumagalaw, yung kaliwang kamay lang ang kumakaway. Ganun ba talaga yun? Sana nagbago na siya ng ugali ano..

    Nagmamahal,
    MuyMuy!

    PS:
    Sa spelling po ba ng cooperate, dalawa ang letter 'o' o isa lang po? ginawa ko nang tatlo dun sa letter para po sigurado kasi alam niyo naman pong hindi ako ganun kagaling sa english.. :)

    Sana po matanggap at mabasa niyo ang sulat ko para sa inyong lahat kahit hindi ko alam ang eksaktong address ng ward natin. Basta nilagay ko lang po 'PGH Ward 7: Alam mo na yun.' :)

    Labels: , ,

    flight scheduled at 12:30:00 AM
    |


    Monday, December 11, 2006

    Ward 7's Top Ten

    Before I get myself killed by a 300-point Histo II exam tomorrow, I'll just use this opportunity to introduce the Top Ten so-called 'prisoners' of Block 20, the potential patients waiting in line at the 7th Ward of the PGH, the Psychiatric Ward. It's fun being with us, by the way. Try laughing out loud (literally) when we're around, whatever it is, we will surely laugh with you.

    [The names were hidden by using their initials, to protect the real identity of the persons (except number 7, who happens to be yours truly). Anyway, you know yourselves, don't you?]

  • JO [Patient Number One]: Better known as my 'bespren,' she is the most (hyper) active in the block. Considering the fact that she is a girl, she has always been tagged with the nickname 'Manny,' because she also lives in Pacman's hometown, General Santos. And, she's proud of it. Famous quotation: "Heehee!!"

  • KL [Patient Number Two]: The only 'baliw' in our block (but she's currently recruiting allies, including JO), hates LA a lot. She's annoyed by noisy people (sergeant at arms, eh?) but she is noisy herself. She even had a recent quotation to mark, but I'd rather not say the whole phrase here. "Huwag kang mag-react...."

  • RR [Patient Number Three]: She's another jolly person in the block. She has been greeting everyone "Merry Christmas" lately, while singing Christmas Carols. By the way, her name should always come in 'BIGGIE' sizes. This lady here has so many boy_friends. Famous quotation: "Ang labo mo."

  • DM [Patient Number Four]: My former 'sweetie' (she doesn't want it anymore and I don't know why), she is another sabaw woman. She would usually utter words at the wrong place, at the wrong time. She's fun to be with, practically. Famous quotation: "Sabaw."

  • MM [Patient Number Five]: A nocturnal human being whom I call 'bru' (she calls me that nickname, too) She has the voice of a boy teenager (nagbibinata hahaha), and when combined with RR and DM, it's a blast. She knows basically anything and everything under the sun. Famous quotation: "Hay, life. :-<"

  • LA [Patient Number Six]: Ah, LA. He's a proud member of the UP Manila Chorale, gifted with a glorious voice, and a tremendous body figure (Peace be with you). Aside from his 'gorgeous' body which RR called the Pangaea, he is also known for his famous quotation, "I hate you."

  • AU [Patient Number Seven]: No comment. I'd just say he's also one of the patients. He is the author of this blog so please, if you do not mind, do not protest anymore.

  • EM [Patient Number Eight]: He is a friend of AU and DP, known for his hilarious drawings of some professors (even blockmate(s) sometimes). He is AU's partner in crime whenever he feels like teasing 'someone' or making issues in the block, and that includes our professors. Famous quotation: "(yells anything)!!!!!!!"


  • DP [Patient Number Nine]: He is another partner in crime of AU or EM, he loves to set things on fire. When Patients 7, 8, and 9 come together, they form the unstoppable 'UPM' gang, or when with AV, they're also known as *'PAID'. Famous quotation: "Sunugin."

  • AT & GC [Patients Number Ten]: These two are the least AB normal people of the block, and they still need some more 'attention'. However, when with JO, they form the infamous 'Powerpuff Girls,' another strong alliance in the block.

    When you call GC, it should always be in the form of "Hi G!" and always smile afterwards. She never fails to smile everyday, and knows it whenever I want to throw a joke. Famous quotation: "Hi A! :)"

    AT however, has a tendency to replace patient 9, because she has been showing the 'signs' lately. She is always teased for her height, and now for her bad bathing habits. Famous quotation: "n_n"

    Whoever you are, currently reading this blog entry: Think of this nonsense as something helpful to you. If you think you are the most abnormal person alive, think again. Think twice (or thrice, if that is the case). At least now you know there are people like you, or even worse than you, who think differently from the others. It is a gift, not a curse. Look at the bright side: Now you know who to avoid whenever you go to Robinson's Place Ermita. Mind you, there are thirty of us, and these persons are just the top ten who qualified.


  • Think it over. I just did.

    *The PAID group has recently come up with their latest project last November, The U.P. Bulag Organization (U.B.O.) The organization aims to beg for alms to be able to enjoy their Christmas. Their motto is: Piso mo, Pasko ko. They have just finished Phase One of the project at the RH lobby, and will now move to CAMP.

    Labels: , , ,

    flight scheduled at 6:51:00 PM
    |


    Thursday, December 07, 2006

    Pick-Up Line Overload

    I have recently received a number of pick-up lines from my textmates. I've got nothing to rant about because we just played bowling and basketball today, and Im really tired. I'll just post some of the pick-up lines that I got here. You can use them all you want, but as I always do, I'm warning you: use them at your own risk.

    You're like...


  • my kuto: I can't get you otta my head. (no comment)

  • my sweat: You relieve me when I'm hot.

  • SM: You've got it all. ( gamitin daw ba pati SM. )

  • Globe: You make great things possible. ( at dinamay pa ang Globe. )

  • my pustiso: I can't smile without you.

  • my shoes: You're always there wherever I go.

  • constipation: YOU TAKE MY BREATH AWAY.


    *****


    Mga pamatay na pick-up lines:


  • "You're name must be mickey, because you're so fine."

  • "Miss, alam mo bang exam ako? Kaya sagutin mo na ako."

  • "Uy! Papicture tayo! Para ma-develop tayo sa isa't isa!" ( this one is already
    used up )

  • "Excuse me, are you a dictionary? Because you give meaning to my life."

  • "I must be a bad shooter, because I keep on missing you."

  • "Pinaglihi ka ba sa keyboard? Kasi type kita."

  • "Eh sa permanent marker pinaglihi ka? Di kasi kita maalis sa isip ko."

  • "Kumakain ka ba ng asukal? Ang tamis kasi ng mga ngiti mo eh."

  • "Di ka pa ba napapagod? Kanina ka pa kasi tumatakbo sa isipan ko."

  • "Surgeon ka ba? Kasi ikaw lang ang nagkapagbukas ng puso ko!"

  • "Hindi pa rin ba nakukulong ang tatay mo? Kasi ninakaw niya ang pinakamagandang bituin sa langit."

  • "Lecture mo ba ako? Lab kasi kita."


    At ang pinaka-pamatay sa lahat:

  • "Miss, alam mo bang hindi tayo tao, hindi tayo hayop at hindi rin tayo halaman?




























    BAGAY TAYO. BAGAY."

    Those are the corniest that I have. Ikaw? Meron ka bang ibang alam? Share mo naman. :)
    Hay, nonsense na post ito. Hahaha.

    Labels: , ,

    flight scheduled at 7:25:00 PM
    |


    Thursday, November 30, 2006

    Block 20 Litrato Scandal

    Warning: Some of the pictures you are about to see [specially the last one] are not suitable for children under 12 years of age. They are extremely explicit in content, view them at your own risk. And please reader, whoever you are, behave accordingly.

    Recent comments from the post: Hang..over, show that the (un)fortunate readers of this blog are eager to witness the highly-anticipated pictures from the talent show, while laughing their hearts out. Due to insistent public demand, I now present them to you. I know they're long overdue, sorry. By the way, I have recently switched to Blogger Beta, after thinking it over for two days. (So what? We want the pictures.)

    First up, let me introduce my blockmates. Well, at least most of them.

    Block 20 goes to Ilocos

    Block 20 goes to Ilocos, August 26, 2006
    *click here to enlarge
    Sitting down, from left: Ian, Chamie, Dom, Mia, Edz, Arnel, Krisi, Alison, Pam
    Standing up, from left: Anna, Grace, Jane, Prof. Mateo, Joan, Steffi, Candice, Nelle, Iumi, Karylle, Marest, Glaiza, Denis

    Here now are the pictures from practices and from the talent show.

    Mga Pulubi ng RH lobby
    Mga 'pulubi' ng UP at the RH lobby, wearing Chia's shades collection
    From left: Denis, Angelo, Ian, Arnel

    OT Posse
    The OT Posse
    From left: Joan, Chia, Mia, Marest

    PT Posse
    The PT Posse
    From left: Karylle, Anna, Krisi, Raina

    SP Posse
    The SP Posse
    From left: Cathy, Jane, Dom, Edz

    And now, without further ado, here's what you've always been waiting for: our transformation. Remember, I warned you from the start of this entry. View it at your own risk.

    Where are the gays?
    Please take note: The 'gays' that you see in the picture are not real gays. They just did it for fun.
    Back row, center: Denis (Bossley)
    Second row, from left: Edz, Jane, Karylle, Anna, Raina
    Front row, from left: Ian (Blossom), Arnel (Cherry)


    This picture above officially ends the block 20 photo marathon / scandal. I decided not to post the picture of the so-called 'boss' of the chinabels, Mabela, as it would only worsen the case of this blog (peace). At least now you know who to avoid when you go to Robinson's Place Manila. After seeing the last picture, I highly doubt it if you'll go back to my blog ever again.

    *thanks to Karylle for uploading the pictures!
    *Reming changed its course and will no longer hit Manila.. (useless suspension of classes..)

    Labels: , ,

    flight scheduled at 6:00:00 PM
    |


    Saturday, November 25, 2006

    Hang...over

    Kapag sineswerte ka nga naman.

    Nakakatuwa ang kauna-unahan naming karanasan sa CAMP Talent Show na ginanap sa Girl Scouts of the Philippines HQ diyan sa Faura. Simulan na natin ang istorya ng isang napakahabang araw sa buhay ng mga myembro ng BS-OT Block 20.

    Hindi ako nagising nang maaga. Mabuti na lamang at kahit 7:30 na ako nagising ay wala kaming klase sa History 2, sapagkat pinayagan kami ng aming propesor na mag-ensayo para sa nalalapit na talent show. Mabuti na rin at hindi ako umuwi ng aming tahanan, at sa dormitoryo lamang natulog, kaya nakarating ako sa CAS ng 8:20 sa kakamadali.

    Nagpalit na kami ng damit. Matapos mag-ensayo sa kahuli-hulihang pagkakataon, kinailangan na naming magbihis bilang paghahanda sa presentasyon namin. Ilang damit din ang aming sinubukan bago makapag-desisyon sa aming susuotin. Mahirap pala maging babae. Hindi muna kami nagmake-up sa kadahilanang ayaw naming maglakad sa Faura ng ganoon ang aming hitsura. Sinuot muna namin ni Ian ang aming mga T-shirt at pantalon habang papuntang GSP, sa ilalim ay ang aming mga karumal-dumal na mga costume.

    Nagmistula kaming mga alalay. Lahat ng mga wardrobe ay sa aming mga lalaki ng block ipinadala. Puro kasi sila babae, at mahirap naman kung mapapagod sila. Nagpaka-maginoo na lamang kami at dinala ang kanilang mabibigat na mga gamit at ang mga props na gagamitin namin sa pagtatanghal. Hay, ang bait talaga naming mga lalaki sa block, hahaha.

    Umulan. Tila pati ang kalikasan ay naiyak na sa awa para sa aming mga hitsura. Umambon habang papunta kami sa GSP, habang dala dala namin ang mga kagamitan, at hawak ang isang payong sa kabilang kamay. Mainit naman pagkatapos, kaya naisipan naming hubarin na ang aming mga T-shirt (mga lalaki lang, syempre) upang mahimasmasan ang init na nararamdaman ng aming mga katawan, una dahil sa kaba, at dahil na rin sa init na dulot ng panahon.

    Late na nagsimula ang palabas. Ang nakalagay sa ticket, dapat 1:00 PM ang simula nito, ngunit dahil Pilipino tayo, 2:30 PM na ito na-umpisahan. Bago umupo sa kanya kanyang mga upuan, nilagay na ang mga make-up namin ni Ian, at nagdasal pagkatapos. Siyempre, sa tagal ng aming paghihintay, kumuha ang ilan sa amin ng mga litrato. At ngiti pa rin kami ng ngiti kahit hindi ko pa nakikita ang hitsura ko sa harap ng salamin. Bumili na rin muna kami ng C2 at V-Cut sa coop sa labas, bilang pamatid uhaw at gutom.

    Palakpakan, hiyawan, tawanan. Bukod sa mga mismong kasali ng show na ito, mayroong dalawang intermission number na inihain sa aming ng mga propesor at faculty ng aming kolehiyo, ang CAMP. Pamilyar ang mga mukhang nakita namin doon, lalo na si Sir Mitch, guro namin sa NSTP. Tawa lang kami ng tawa, wala sa loob na kakanta pa kami mamaya sa aming pagtatanghal. Lalo pang lumakas ang tawanan noong nagmistulang mga danseur ang mga kalalakihan ng CAMP. Hindi ko alam kung mayroon pa silang mukhang ihaharap sa amin sa susunod naming mga pagkikita. Salamat sa kanila at nawala ang aking kaba. Dahil sa kanila, hindi na kami magmumukhang kahiya-hiya nina Ian, Lemuel at Chamie sa harap ng mga manonood namin.

    Huli kaming magtatanghal. Lalo lamang kaming kinakabahan dahil habang pinapanood namin ang mga naunang nagtanghal sa amin, nalula kami at lalong natakot, habang palapit ng palapit ang oras namin upang magtanghal sa harap ng mga kaibigan, at kaklase sa ilang mga asignatura. Kamangha-mangha ang kanilang mga ipinamalas sa amin, naisip kong mistulang mga baguhan pa lamang kami sa talent show na ito, at ang ilan sa kanila ay mga beterano na; pinaghandaan talaga nila ang palabas na ito. Samantalang para sa amin ay 'katuwaan' lamang ito.

    Heto na. Kinailangan na naming pumunta sa backstage upang maghanda para sa aming pagtatanghal. Puro tawanan pa rin ang naririnig. Napakagaganda ng mga babae sa block namin lalo na ng mga oras na iyon. Hindi na ako magbabanggit ng mga pangalan sapagkat lahat sila ay kasali, at pahahabain lang nito ang aking dapat ilagay dito. Ngunit kahit maganda pa sila, hindi maikakaila na mas maganda kami ni Ian kesa sa kanila. Minsan pa lang ako nagcross dress sa buhay ko, at ito na yata ang pinaka-masaya. Noon lang namin nakita ang aming mga sarili, sapagkat may salamin doon, at inayos namin ang aming mga hitsura sa kahuli-hulihang pagkakataon. Salamat nga pala sa aking mga sponsor, sina Mia (orange at black na flip flops, green na palda, red na bag at white na headband) at Chia (pink na tube at pink rin na shades) para sa pagpapahiram sa akin ng mga gamit at damit pambabae. Bahala na kayong magmuni-muni kung ano ang hitsura ko nung mga oras na iyon.

    Hindi ko na maipaliwanag ang ilang mga eksena noong kami'y nagtanghal na. Wala akong masyadong nakitang reaksyon ng mga manonood sapagkat kinailangan kong alisin ang aking salamin (eyeglasses) upang maging ganap na babae (bading) kami ni Ian. Ang masasabi ko lang ay ginawa lang namin ang aming makakaya noong oras na iyon. At proud kami roon. Manalo o matalo, nag-enjoy lang kami sa palabas.

    Meron pa. Matapos banggitin ang mga nanalo (hindi kami kasali roon, tulad ng aking inaasahan) mayroon pang After Party na ginanap sa Abas diyan sa J. Nakpil St. sa Malate. Uminom kami at nagsayawan hanggang alas nueve ng gabi, di alintana ang ibang taong nakapalibot sa amin, pagkat sila'y taga-UP rin. Basta nag-enjoy na lang kami nung gabing iyon. Naka-usap namin ang ilang mga taga-CAMP, at nakarinig ng ilang papuri at katatawanan mula sa aming mga batchmate, lalo na sa pagganap naming bakla ni Ian.

    Sabi nga ni Dan sa akin, "Makakapasok ka pa kaya sa MaSci?"

    "EWAN KO."

    Nakipagsapalaran, tila isang adventure ang aming ginawa noong araw na iyon. Natapos ang lahat sa KFC Padre Faura, sa pagbili ng pagkain, huling hirit ng mga tawanan, bago kami nagsipag-uwian. May NSTP pa ako mamaya, ngunit duda ako kung papasok pa si Sir Mitch, ngayong alam na namin ang kanyang lihim.

    Bahala na lang kung makapal pa rin ang mukha ko upang magpakita sa CAMP.

    *Edit: sandali lang ang NSTP namin kanina, mga 20 minutes. Siguro pati si Sir Mitch may hang-over din dun sa ginawa niya. XD

    Labels: , , , ,

    flight scheduled at 11:20:00 AM
    |


    Monday, November 20, 2006

    Gender Sensitivity

    Disclaimer: Before you start reading this blog entry, I would like to point out to you, (un)fortunate reader of my blog, that I am not a gay. This entry is for entertainment purposes only, and should not be taken seriously.



































    Ano ba yan, so many ka-chorbahan na ang nangyayari sa mga iskolar ng bayan. Pati ang federasyon ng kabadingan, nagugulumihanan na. Kalookah ever! Ang chaka ng mga shomabels sa UP Manila! Ang eklabu naman ng mga isyu dito. Ahaahaay, trulalu!

    Now I'm having problems with 'gender sensitivity'. Our OT Block is composed of 8 gentlemen only (minus one, I doubt), and we are surrounded by 22 ladies. We (the guys) were just using the gay lingo to fire up some conversations. But now I'm afraid that I might use the gay lingo in my everyday life.

    Imagine if all straight guys were talking in a gay lingo...

    Student: Buket di mo chinuva yung girlalet? Malaki naman ang susey ng lola mo ah.

    Hunk: Winnie cordero nga dude, smelanie marquez naman, wit na.

    Basketball Coach: Ok, beks, keber sa kalaban, jus focus, we cannot afford to luz valdez. You, achievin mo yung last free throw. Ok, go for gold to the highest level!


    Doubts coming from my friends are drowning me (and Ian too, perhaps). Looks like they took our joke seriously. So seriously, that they have even reached the point of asking me (us) baklush questions, as if I (we) could answer them easily. This joke is not doing me (us) any good at all.

    A certain blockmate of mine even asked me these questions through a YM conversation:

    Blockmate: arnel, seryoso, nagugulat ako sa mga alam mong vaklur words

    Me: sus.

    Blockmate: hindi ka ba talaga straight na lalake?


    Now that's bad news. I was only 'training' for the upcoming Talent Show, but things went wrong. Now I am carrying the burden of getting my whole reputation back. Now I'm back to square one. Or at least I'm trying to go back to square one.

    But then..

    Just recently, Ian and I tried out our costumes for the show. Only LOL's were heard, and nothing else. We just laughed our hearts out because of our horrible look. Hay, ang eklabu talaga ng mga shomabels sa block ko.

    Let this be a promise to myself (I don't really know if I could fulfill it though):

    After the CAMP Talent Show (which will be on November 24),

    I will (try to) STOP using the gay lingo.

    And please friends, always remind me not to use it anywhere in my next blog entries. If I do, please tell me. Hahaha.

    Ehem. This officially ends my blasted blog entry.

    *Thanks to Erica for the text message (the one in the blockquote)
    *Some more words of wisdom, here

    Labels: ,

    flight scheduled at 7:35:00 PM
    |


    Sunday, August 27, 2006

    All sorts of trip

    Whew, just got back from our field trip in Ilocos. It's almost eleven in the evening and the rain still does not want to stop pouring here in our place.

    It was totally a 'sabaw trip.' Sakto, sa Bus #1 kami napunta. (well, palipat-lipat nga kami sa 1 and 2, pero ayun sa 1 talaga.) Hindi pa umaalis yung bus, marami nang 'sights' sa AS pa lang (alam niyo na...), katulad nung announcement ni Catwoman dun, haha. Nun lang namin napansin ng blockmates ko. Haha, grabe. Kausap pa namin siya bago kami umalis.

    Soundtrip. Yung mga kasama naming PolSci, ang sarap ng kantahan. Haha, parang wala nang bukas pero ok lang yun. Movietrip. Nanood kami ng kung ano-anong DVDs na nandun. Isa lang ata yung natapos ko nang maayos, haha. Nakatulugan ko na yung iba.

    Foodtrip. Kain sa ChowKing. Sabay Laughtrip na rin, dahil sa uniform na suot naming tatlo nila Ian at Denis. Kasama na rin yung nakita ni Chamie na kapangalan ko. Then we went to the Marcos Shrine, kung saan na-confiscate pansamantala ang phone ni bestfriend kasi bawal kunan yung remains ni Marcos eh tapos nakita siya nung nilabas niya yung phone niya. Ok lang, sinoli naman na eh. Haha.

    'Tokotoktrip.' Wow, akalain mo yun. Nagpunta kami sa Heritage Village para bumili ng souvenirs saka pagkain at maglakad dun sa cobblestone floor, kung saan nagbibigay ng 'tokotok' sound yung kabayong naghihila ng calesa. Eh kaso, si kuya Mike nakita namin dun sa bus nila, nalock sa loob, kaya sinubukan namin silang tulungan nung kasama niya. Ayun, medyo na-late kami sa kuhaan ng calesa. Kumusta naman ang mga lola niyo(haha.),naglakad sa Meztizo District hanggang sa makakita ng magto-tour sa 'min. Dinocumentary pa talaga ni Dom yun.

    'Cardtrip.' Upon reaching the resort in the evening and eating our precious dinner, we played card games (tong-its, pekwa, 1-2-3 pass, pusoy, etc.) until about THREE O'CLOCK IN THE MORNING. Wow, sabaw. Wala kaming tulog talaga. Kaso, talo na ako lagi nung last parts na sa 1-2-3 pass. Sabaw na sabaw na talaga 'ko nun, kaya nagkampihan na kami ni Chamie. "yon!" Hehehe. Dito rin lumabas ang alterego ni Denis bilang isang hyper na batang akala mo ay tumira ng sandamakmak na pentel pen at rugby. Epekto ng walang tulugan.

    Pero, kailangan pa rin naming gumising nang maaga. So, we went back to our lovely 'Freezing Field' and I slept for an hour or so. Sa bus saka sa bahay ko na lang babawiin yung mga kulang na oras kong tulog. 'Pag nakatulog ka kasi, marami kang mamimiss na 'fun.'

    'Tulogtrip.'6:30 na ako tuluyang nakumbinsi ni Denis na gumising, haha. Anong oras na ba kasi ako natulog, mga 5 ata yun. Si Chamie pa hindi natulog. Nagsimba daw sila (nung F.C. niya.). Buti pa si Ian, nanamnam ng husto yung higaan namin.

    At the end of the trip's final day (hahahaha, redundancy.), our 'busmates' went off one by one and got home. Hanggang sa kahuli-hulihang pagkakataon at tuluyan nilang 'paghihiwalay' sa araw na ito, inaasar pa rin si Anna at Ian.

    Si Dr. Mateo pala, makulit din kausap. Haha. Nakikisakay din siya sa mga kalokohan namin sa block like yung mga love team issues sa block. Kawawa naman yung tatlo dun sa apat na guys na kasama. Whew, buti di ako kasama sa tatlong yun. Come to think of it, apat lang kami. Hahaha. Sorry Denis, damay ka dito.

    Ang hirap palang magkwento ng mga nangyari sa field trip...Kulang pa 'tong mga nilagay ko dito kaya, mag-tag kayo. Dadagdagan ko pa 'to pag may time ako. Kung gusto niyo (blockmates ko..) lagay niyo sa tagbox. Inaantok na talaga ako.

    Oh well, kailangan ko nang matulog. May pasok kasi kami bukas. ASAR.

    Currently listening to:
    Koda Kumi - 1000 No Kotoba (100 Words), ang aking pampatulog. ^__^

    Labels: , , ,

    flight scheduled at 10:36:00 PM
    |


    Tuesday, August 22, 2006

    Sabaw

    Yes. Nabuking si 242643. Kanina pa 'to napagtitripan sa med canteen. Picture picture!

    Anyway, before I actually discuss it, here are the SAQs:

    Oh, well. Enough with those SAQs. We have a new language game! I tried it during the weekends, and I happened to memorize some of my blockmates names by the use of numbers, which correspond to the letters of their names when you type it in a cellphone. And I was reviewing then for the upcoming map test in Histo, the day before we go to I-L-O-C-O-S. Yes. At last. Sandali na lang pala.

    Ay nawala na ko. I introduced the language game to my blockmates after Philo I (favorite subject ko. haha. ayan ka na naman mia..) at the GAB Canteen. At yun lang ang ginawa namin for 20 minutes, bukod sa tumunganga, at hindi man lang kumain. Rob was the place for us to eat today, not the canteen. Why? Manlilibre dapat si 242643.

    Hay, as usual..Mia (again..) got what my language game was. Great minds? Then we started talking like that. Sobrang sabaw, baka magamit ko na pag may kausap akong ibang tao. 24726. 24726. Akalain mo, hindi alam ng may-ari ng pangalan kung kanino 'to. Hahaha.

    Back with 242643.

    We had a hunch that 242643 was going to meet his 'friends' (perhaps his 'special someone') at the mall. Eat, eat, eat. Talk, talk, talk. Laugh, laugh, laugh. Then Grace decided to go home. Suddenly, Anna and Jane wanted to go home too! So we all decided to part ways.

    But then.....

    We remembered 242643. He asked us what direction we were going, we said Pedro Gil. So he decided to come with us.

    "Mamaya lang, mawawala na si 242643."

    So he should go first, para mabantayan namin. We were near the Pedro Gil Station of the LRT then. Hindi nakapagpigil si 242643. Inamin na niya na makikipagkita nga siya sa 'friends' niya dun sa Rob. Kawawa naman.

    This day was totally a SABAW DAY.

    Currently listening to:
    myself, while dubbing Mrs. Sioco's voice. ^_^

    Labels: , , ,

    flight scheduled at 5:46:00 PM
    |

    THE PILOT


    Yahoo Online Status Indicator
    Arnel C. Uyaco Jr.
    Sixteen Seventeen years old.
    UP Manila Sophomore.
    An alleged loverboy.
    A pilot of my dreams.


    TIME CHECK





    THE LOGBOOK

















    LATEST FLIGHTS












    TICKET FARES




    FULLY BOOKED

    THE PASSENGERS



    DESTINATIONS



    CRASH-LANDINGS



    THANK YOU FOR FLYING

    Creator :
    Blavered-INC

    Image Hosts :
    Photobucket, ImageShack

    Header :
    Billycoy Dacuycuy

    Brushes :
    DeviantART

    Tagboard :
    Cbox

    BlogRoll :
    BlogRolling

    Clock :
    ClockLink

    Avatar :
    Zwinky

    Status Indicator :
    Online Status

    Comments & Trackback :
    HaloScan

    Reader Community :
    MyBlogLog

    Web Counter :
    Free Web Logger

    User Tracker :
    Fast Online Users

    Powered by :
    Blogger Beta

    Best Viewed :
    1024 * 768