Friday, January 05, 2007
[ The following entry which you are about to read is absolutely fictional. The names are all created in the mind of the author, OR suggested by his friends and relatives. If you happen to be the owner of one of the names, do react immediately. This post is just a 'letter' by a former patient of Ward 7, who found heaven in the company of his fellow patients. Do not get carried away, or else.. you know. ]
Dear MamSir/SirMam/Staff/Doctors/Nurses/Patients:
Mabuhay, ako po ito, ang pinaka-mabait niyong pasyente sa ward 7 limang taon na ang nakalilipas, si Muymuy.. Bago ang lahat, belated happy new year at advancd merry christmas na para sa taong ito. Sumulat po ako dahil wala lang, naalala ko kayo nung nagmumuni-muni ako dito sa bahay.
Kumusta na po kayo dyan? Ako, heto ayos naman po, nakahanap na po ako ng isang butihing asawa na tanggap ang buong pagkatao ko.. Pero parang kulang pa rin po ang buhay ko,tila ba hinahatak ako pabalik sa dati kong tahanan, kung saan marami akong nakikitang mga kamangha-manghang mga bagay na hindi ko na nakikita ngayon. Nami-miss ko na po kayo lahat dyan.
Naalala ko pa nga po ang mga batuhan namin ng filler ng ballpen na binali para lamang magkalat ng tinta sa aming mga katawan at sa buong kwarto namin para lamang pahirapan ang buwisit na tagapaligo namin, ang mga 'wrestling' matches na ginagawa ng aking mga kapwa na lalaki na mistulang mga superstar sa kanilang daigdig, kahit na hindi pa nagkakantian ay mayroon nang nanalo dahil sa referee naming uto uto. Lalo na rin po yung mga tahimik na away ng ibang mga pasyente dun, grabe nakakabingi talaga yun. Tumatagal pa ng dalawang oras yun. Naalala ko pa rin po ang mga oras na pinapayagan niyo kaming lumabas ng kwarto upang makapaglibot-libot sa PGH na parang isang museum na bago sa aming mga paningin. Pati na rin po yung mga gumagawa ng mga party paminsan-minsan dito sa atin, aba dun po ay mukhang mga bida kami, kahit ano ang gawin namin, pinapalakpakan kami, mas maganda pa binibigyan kami ng premyo. Hehehe.
Syanga po pala, naririyan pa ba si Eric? Sya po yung nagpapayong sa gitna ng kwarto namin para daw harangan yung ilaw, pero balak magbasa kahit madilim, nagbago na ba siya? Nami-miss ko na rin po si Jolens, yung babaeng sinasampal-sampal lang namin at ginagawang punching bag pero ayos lang sa kanya, sa pag-aakalang senyales iyon ng aming pagmamahal para sa kanya. Pati rin pala si Johnny Boy, bigla kong naalala. Siya naman po yung nagsisindi ng kandila tuwing bagong taon, at nagtatakip ng tenga habang hinihintay na maupos ito at sumabog diumano na parang whistle bomb. Nandyan pa po ba siya? Eh si Patrick po, nariyan pa ba? Yung kumakanta ng 'My Way' sa lumang videoke natin na nagloloko, kahit na tahimik siyang kumakanta eh 100 pa rin ang score nya?! Nakakainis talaga yun, samantalang ako maganda ang boses 30 lang ang nakukuha ko dun. Sinungaling. Pero ayos lang po, tanggap ko na yun. Si Karlita po, hindi pa rin ba na-release? Aba, eh nauna pa akong makalabas sa kanya ah. Sabi niya dati, ire-release na siya sa susunod na linggo pero lumipas na ang isang buwan andun pa rin siya. Ilusyonada talaga yung babaeng yun. Siya rin po yung super itim na babae na umiinom ng isang kutsarang Nivea Moisturizing Milk para daw pumuti siya, nakakatawa talaga. Sana alam niya na ngayon na three times a day dapat yun iniinom para tumalab.
Sana po ay marunong din makipag-coooperate ang mga bago niyong pasyente dyan ano? Baka nga yung mga dati kong kilala nandyan pa rin eh. Alam niyo namang ako lang, ako lang ang binigyan niyo ng most 'special' award sa amin eh. Tandang tanda ko pa nung Christmas Party bago ako i-release binigay yan eh. Ay, Christmas Party ba 'yun? Basta, depesdida yata yun, ewan ko. At dahil dyan sa award na yan, tanggap agad ako sa piang-applyan ko ng trabaho, yun bang nagsusulat ng balita sa dyaryo. Aba, ang laki ng kita nung printing press na yun dahil sa akin ah! Pero company's secret na lang yun kung bakit malakas kami bumenta.
Sana po talaga magkaroon ako ng oras para dumalaw dyan sa inyo, nami-miss ko na talaga ang mga tao dyan, lalo na rin si miming, yung pusa dun sa may bintana na hindi naman masyadong gumagalaw, yung kaliwang kamay lang ang kumakaway. Ganun ba talaga yun? Sana nagbago na siya ng ugali ano..
Nagmamahal,
MuyMuy!
PS:
Sa spelling po ba ng cooperate, dalawa ang letter 'o' o isa lang po? ginawa ko nang tatlo dun sa letter para po sigurado kasi alam niyo naman pong hindi ako ganun kagaling sa english.. :)
Sana po matanggap at mabasa niyo ang sulat ko para sa inyong lahat kahit hindi ko alam ang eksaktong address ng ward natin. Basta nilagay ko lang po 'PGH Ward 7: Alam mo na yun.' :)
Labels: 'mental'ity, entertainment, sabaw