http://www.one.org





Wednesday, April 04, 2007

Beating the Heat

Dahil mainit na ngayon at nasabay na rin ang Holy Week, marami na sa atin ang nagsisipuntahan na sa mga beach resorts, sa kani-kanilang mga probinsya at kung saan saan pang mga komportableng lugar para magpahinga at gastahin ang kanilang oras at pera sa mga nakakaaliw na mga bagay. Pero para sa ilang bored na at walang magawa, mas pinili pa rin nilang manatili sa kanilang mga tahanan at tiisin ang init ng panahon.

Pero dahil mabait ako sa inyong lahat, narito ang ilang tips para sa mga nais ma-beat ang summer heat nang hindi masyadong gumagastos (o hindi nga ba?) at naiinggit na rin sa mga kakilala nila na nasa mga probinsya at pa-relax relax na lang ngayon.

  • Ugaliing gumising ng maaga. Ito ay para madama mo naman kahit paano ang lamig ng simoy ng hangin na umiihip tuwing madaling araw. Hindi mo na kailangang pumunta sa dalampasigan para maramdaman ito. Siguraduhin mo lang na hindi lang iyon ang dahilan kung bakit ka gigising ng ganun kaaga (kunwari, trabaho, etc.). Pero kung wala ka na talagang magawa pagkatapos noon, mabuti pang matulog ka na lang ulit.


  • Maligo kada dalawang oras. Kapag ginawa mo ito, bawat labas mo ng banyo ay preskong presko ang iyong pakiramdam. Kahit hindi ka na magpalit ng damit buong araw ay malinis ka pa rin tingnan. Daig mo pa ang mga nasa beach ngayon dahil sila, tubig-alat ang matitikman kung sakali, at kailangan pa rin nilang mag-shower pagkatapos nilang magtampisaw sa dagat. Yun nga lang ay mayroon itong side effect. Ang masakit pa ay sa katapusan mo pa malalaman kung ano yun.


  • Huwag magkukulong sa loob ng bahay. Tuwing matatapos ka maligo ay lumabas ka naman ng bahay. Magdala ka lamang ng payong bilang proteksyon mo sa init ng araw. Sa ganitong paraan, maaari kang makipagchikahan sa iyong mga kapitbahay na tambay din sa labas. Imposibleng wala ang mga kumpare mo doon, baka nga abutan mo pa silang nakashorts lang at nagpapaypay, samantalang ikaw naman ay fresh na fresh.


  • Huwag na huwag ding matutulog sa hapon o yung tinatawag na siesta. Kung susubukan mo ito, paggising na paggising mo, tiyak na magrereklamo ka na naman na mainit at baka maging kada oras na ang ligo mo imbes na bawat dalawang oras lang. Tatagaktak lang lalo ang pawis mo kung ganoon. At kahit na makipagpatayan ka pa para lang maitutok sa iyong sarili ang bentilador ay wala ring mangyayari at lalo lang kayong mapapagod. Ang mabuti pa, matulog ka na lang ng maaga para makagising ka rin ng maaga parati. Mas mapapangalagaan mo pa ang kalusugan mo, at hindi ka rin makakasakit ng iba.


  • Subukang magpagupit. Ito ang S.O.P. ngayong summer, ang magpaikli ng buhok. Kahit paano kasi ay naiibsan nito ang init na dulot ng panahon, at hindi na rin masyadong pagpapawisan ang iyong ulohan. Kung lalaki, maigi rin ang magpakalbo. 'In' din yata ito ngayon, yun nga lang magmumukha kang fishball. Idagdag mo pa ang iyong 'bigating' (malaking) katawan kapag nakahubad ka, naku. Dali, tusok na.


  • Gumawa ng mga cold beverages na gusto mo. Ilan lang diyan ang halo halo, gulaman, at kung ano ano pang papasok sa isip niyo. Yan ang usong uso ngayong summer, at bahala ka na kung ano ang napupusuan mo. Kung talagang masarap pa ang pagkakagawa mo ng mga nasabing pampalamig, bakit di mo subukang magbenta ka ng mga ganito upang magkaroon din ng pera ngayong bakasyon kahit na paano. Nakatulong ka pa sa sarili mo para magkaroon ka ng allowance / pambayad-utang. Kung hindi naman ganon kagalingan, magtiyaga na lang sa mga powdered juices at tiyaking maayos ang iyong pagtimpla kung ayaw mong lalong uminit ang ulo mo. Tandaan mo, ngayong summer dapat cool lang tayo.


  • Mamalagi sa mga mall. Sa kaunting barya lang (pamasahe) ay mararanasan mo ang lamig na dulot ng air conditioner sa mga ganitong establisyimento. Kahit na hindi ka mamimili ay papapasukin ka, siguraduhin mo lang na wala kang dalang bomba o kahit anong delikadong bagay. Maigi rin kung mag-sideline ka muna bilang waiter, cashier o kahit ano sa isang sikat na fastfood chain. Tiyak na mayroon kang libreng pagkain mula sa iyong mga bosing mula almusal hanggang hapunan. Kumikita ka pa ng pera sa proseso, habang pinapawi ang init ng panahon.


  • Kung gagawin mo ang isa o mas mabuti pa; ang lahat ng ito, tiyak na hindi mo masyadong mararamdaman ang init ng panahon at ang sakit sa bulsa (sana nga). Huwag ka nga lang magkakamaling gumawa ng kalokohan tulad ng pagsasayaw ng mala-rain dance sa mga tribo dahil baka matulad ka rin sa amin (at magkaroon na rin kami ng kasama sa wakas). Lagi mo ring tandaan: huwag mong isasabay sa init ng araw ang init ng ulo mo kung hindi ay magiging karumal-dumal lamang ang dapat sana'y bakasyon mo. Wala na nga ang init ng summer, yun nga lang, malamig na rehas nga lang ang hihimasin mo.

    Enjoy your summer!!

    *Kung gusto ninyong magdagdag ng sarili ninyong mga tips, nag-aabang lang ang comment box. Baka isama ko pa ang tip ninyo sa listahang ito. :)
    *Ang huling tip ay galing kay Padre Salvi. Salamat!

    Labels: ,

    flight scheduled at 7:49:00 PM
    |

    THE PILOT


    Yahoo Online Status Indicator
    Arnel C. Uyaco Jr.
    Sixteen Seventeen years old.
    UP Manila Sophomore.
    An alleged loverboy.
    A pilot of my dreams.


    TIME CHECK





    THE LOGBOOK

















    LATEST FLIGHTS












    TICKET FARES




    FULLY BOOKED

    THE PASSENGERS



    DESTINATIONS



    CRASH-LANDINGS



    THANK YOU FOR FLYING

    Creator :
    Blavered-INC

    Image Hosts :
    Photobucket, ImageShack

    Header :
    Billycoy Dacuycuy

    Brushes :
    DeviantART

    Tagboard :
    Cbox

    BlogRoll :
    BlogRolling

    Clock :
    ClockLink

    Avatar :
    Zwinky

    Status Indicator :
    Online Status

    Comments & Trackback :
    HaloScan

    Reader Community :
    MyBlogLog

    Web Counter :
    Free Web Logger

    User Tracker :
    Fast Online Users

    Powered by :
    Blogger Beta

    Best Viewed :
    1024 * 768