Wednesday, February 07, 2007
[ Random tagalog post ahead. (except for some [italicized] terms) Get yourself ready, some blood may still drip from your nostrils. This is another nonsense post, so if you do not mind, try to read the other entries instead. But if you do have 'love and concern' for this blog, then please, continue. ]
Aba, tingnan niyo nga naman oo. Sumobra na yata talaga ang pagdurugo ng aking ilong (marahil ang mga ilong niyo rin) nitong mga nakaraang mga araw sa aking mga huling isinulat. Kaya naman heto, bumuo ako ng isang tagalog na entry na para lamang sa inyo, mga mahal kong mambabasa ng blog na ito.
Ayun, dahil siguro sobrang lamig ng panahon ngayon, mas ninais ng aking mga daliri na magsulat (magtype) sa tagalog kaysa ingles. Pero nalilito pa rin ako habang ginagawa ko ito, paano ba naman, ang gusto ng utak ko eh, ingles ang isulat ko pero hindi naman dapat. Kaya hayan, pinipilit kong maging tagalog ito, dahil wala na rin namang pumapasok na kakaibang salita sa utak ko. Tila ba naubusan ako ng lakas para mag-isip ng sobrang lalim na mga kataga upang maibaling ang inyong atensyon sa kabilang mundo. Hindi sa mundo ng mga yumao, kundi sa mundo ng mga baliw at mga nasisiraan na ng ulo. Hehehe. ;)
Ngunit dahil sa isang di inaasahang pagkakataon, bigla na lamang dumami ang mga salita sa aking bibig! Bigla na lang silang nagsulputang parang bula mula sa kawalan at dahil doon, ginanahan na akong magsulat. Este, magtype pala. Pero sa totoo lang, wala ka naman talagang mababasa dito na may katuturan, dahil walang kwenta ang ginawa kong ito. Hindi, biro lang. Pinapa-excite lang kita para lalo mong basahin ang entry ko. (Yan ang mga taktika ng mga magagaling mang-uto este, mga blogger pala.) Ang tawag nga ng mga spokening dollar (pahiram ng iyong napakagandang kataga, kaibigang Heneroso) dito ay "delaying tactics" pero mas gusto kong tawagin na lang itong simpleng pang-uuto.
Tama na nga, subukan na nating pumasok sa aking personal na buhay. Nagsasawa na rin naman ako sa kakasulat ng tungkol sa mga bagay bagay sa aking paligid (tingnan mo na lang yung mga nasa ibaba ng post na ito) na mga makalaglag-panga at makapanindig-balahibo sa sobrang lalim ng mga salita sa bawat talata. Kaya heto nga, rinatrat ko ng mga tagalog para mawala na ang patuloy na pagdanak ng dugo mula sa inyong (ating) mga ilong. Pero meron pa rin yatang side effect eh. Sakali mang hindi tumulo ang dugo mula sa inyong mga ilong, maaari rin namang manggaling ito sa tenga, bibig at kung saan saan pa di ba? Basta ang sinigurado ko lang naman sa inyo, hindi na kayo mano-nosebleed, pero sa iba ewan ko na lang. Bahala na kayo dun, wala na akong kinalaman diyan, kaya huwag niyo akong sisihin ha?
At dahil Miyerkules na ngayon, walang pasok! Yeah! Pero wala rin akong dahilan para magpakasaya dahil may eksaminasyon kami sa Biyernes para sa asignaturang Chem 14 at kailangan kong mag-aral matapos kong i-lathala ang ginawa kong ito. Sa mga oras na ito ay ginagawa ko na rin ang unang burador (first draft) ng concept paper ko para naman sa Comm II. Nagmamadali na nga rin akong tapusin yung burador dahil nalalapit na rin ang deadline ng pagpapasa nito. Madaling araw pa lang, marami na akong nagagawa. Napakagaling ko talaga. (sumang-ayon ka na lang.) Nagagawa kong magsulat (magtype) ng post na ito habang may mga mas importanteng bagay rin akong ginagawa. Multitasking ang tawag diyan, pero ang iba sa inyo, tinatawag itong 'cramming.' Pero dahil nga magaling ako, ayokong gamitin ang salitang 'cram,' dahil negatibo ang magiging labas ko sa mga paningin ninyo. Magmumukha akong isang sobrang bum na estudyante at tamad mag aral o gumawa ng project [tinatapos sa kahuli-hulihang minuto], kaya naman mas gugustuhin ko kung tatawagin niyo na lamang akong isang 'multitasker' kaysa naman 'crammer.' Mas maganda pa pakinggan di ba? O, wag ka nang umangal. Wala ka nang magagawa.
Siguro naman ay nahalata mo [kung sino ka man na nagbabasa ngayon] nang sabaw na sabaw na ang utak ko matapos kong gawin ang post na ito ano? (Hint: tingnan mo kung anong oras na.) Kaya naman, sige mga mahal kong mambabasa. Dahil kailangan ko na kasing tapusin ang iba ko pang mga gawain. Dito na nagtatapos ang isang naaaaaaapaaaaaaakaaaaaaaa sabaw at walang kwentang blog entry. Panandalian nga lamang pala ang mga post na katulad nito, sapagkat naghahanda lang talaga ako para sa mga susunod pang kababata, este kabanata ng blog kong ito. Maaaring gumawa muli ako ng isa pang liham, o di kaya naman ay makabuo na rin ako ng isang maikling kwento. Istey tyund.

Labels: random thoughts, sabaw