http://www.one.org





Sunday, April 01, 2007

Struck by a Spear

Grabe.

Hawak ang isang e-ticket na fresh from the printer dahil noong araw na iyon ko lamang nakuha sa e-mail, naglakad na ako papunta sa elevator ng RCBC Plaza patungong Podium 4. Doon kasi gaganapin ang kauna-unahang PBA 2007 o Philippine Blog Awards 2007. Alas singco y media na noong umakyat ako, medyo maaga-aga pa para sa mismong event kaya naman nilibot ko muna yung lugar para makipagsosyalan at kumain. Laking gulat ko na lamang noong kinamayan ako ni JV, isa sa mga bigating organizer nitong prestihiyosong awards night na ito. Sa paglilibot ko, nakita ko si Aaronjames, isa sa mga nominee para sa Bloggers' Choice Award. Nag-usap kami sa buhay-buhay, at nag-link exchange na rin ng personalan.

Nilibot muli namin ang lugar para kumuha ng mga freebies mula sa iba't ibang mga sponsor at sa wakas, matapos ang tatlumpung minuto, habang iniinom ko ang kape ko na mula sa Nescafe, nag-annunsyo na si Sir Abe na magsisimula na ang awarding kaya naman pumunta na kami sa entrance ng theater. Pero bago yun ay nabaling ang aming atensyon sa media (RPN 9). Aba, mukhang may telecast pa yata ito. Napatingin din kami sa isang advertisement ng Globe. Gamit ang internet ay binuksan namin ni Aaron ang blogs namin para tingnan kung ilan na ang page views namin. Habang tinitingnan ko ang akin ay bigla akong kinalabit ng isang lalaki mula sa likuran. Akalain mo bang si Franco pala yun, at nagkakakilala na nga kami. Nakita na rin namin sina LA, Heneroso, Kevin, Jhed at ang alagad ni Billycoy at pumasok na kami para humanap ng mauupuan.

Aba, pinatunayan nilang lahat (mga organizer) sa aming mga bloggers na hindi lang basta basta itong event na ito dahil bigla na lamang kaming pinatayo para awitin ang pambansang awit. At matapos yun ay mayroon pang makabagbag-damdaming invocation si Father Stephen Cuyos na talaga namang naka'touch' sa puso naming lahat, lalo na ng mga bloggers na naroroon. Matapos yun ay ipinakilala na ang mga emcee para i-announce ang mga nanalo sa gabing iyon. Ang bilis ng mga pangyayari, sa isang iglap lang ay nasabi na halos lahat at draw na para sa mga GC's na galing sa KrispyKreme at Globe, at ang pinaka-aabangan ng lahat: ang i-Pod at cellphone. Akalain mo bang sa swerte ng ticket #168 ni Kevin eh siya pa ang nanalo nung Nokia 3230. At ako naman, nanghihinayang dahil muntik muntikan na talaga mapasakamay ko yung i-Pod na yun. Sayang talaga.

And the winner is..

1..

3..

Nakakainis pa nga si Jayvee (biro lamang po) dahil nagpa-suspense pa siya bago niya sabihin ang huling numero ng nanalong ticket. Naisip ko talaga na medyo mataas ang pag-asa ko na manalo noon dahil yung ibang ticket na may '1' at '3' sa umpisa ay natawag na nung draw para sa mga gift bags. Ang number kasi ng ticket ko ay 130. Kaya naman todo todo ang dasal ko nun para '0' ang tawagin ni Jayvee pero napasobra yata kasi '1' ang nabanggit sa halip na yung '0' ko. Sana pala pinauna ko na si AJ dun sa pila para ako na lang ang nanalo ng i-Pod na yun, hay naku. Yun pa mandin sana ang ipinunta ko dun, bukod sa makakita ng mga bigating blogger tulad nila Bryanboy, Shari at marami pang iba, na natupad naman. Masaya na rin ako dahil nakamayan ko maski 'alagad' lang ni Billycoy. Matatanggap ko na yun bilang consolation kahit hindi ako nanalo ng i-Pod.

Pagkatapos ng awarding ay photo-op na sa harapan. Kaming mga sawing palad ay ibinaling na lang ang kalungkutan sa camera ni Kevin at naka-ilang kuha din kasama ang iba pang mga blogger. Hay, ganyan talaga ang buhay. Congratulations na lang sa inyong mga nanalo, lalo na sa iyo Kevin, ang swerte mo talaga. Sa iyo rin Hener, na nakapagpa-picture pa kay Bryanboy pagkatapos ng lahat, naku talo mo pa ang nanalo ng i-Pod at cellphone na pina-raffle. Congrats din kay Abe at sa iba pang mga organizers at volunteers para sa isang matagumpay na Philippine Blog Awards na ito. Napakasaya talaga. Sana sa 2008 at sa susunod pang mga taon ay magkaroon ulit nito at mas marami pang dumalo. At sisiguraduhin ko na rin na mapapasa akin na kung ano mang premyo ang in store para sa amin. Sa uulitin!

------

*Para sa kumpletong listahan ng mga nanalo, puntahan niyo ang Philippine Blog Awards dito.

*Kung gusto niyo naman mabasa ang napakatinding invocation ni Father Stephen Cuyos, dito kayo pumunta.

Labels: ,

flight scheduled at 11:45:00 PM
|

THE PILOT


Yahoo Online Status Indicator
Arnel C. Uyaco Jr.
Sixteen Seventeen years old.
UP Manila Sophomore.
An alleged loverboy.
A pilot of my dreams.


TIME CHECK





THE LOGBOOK

















LATEST FLIGHTS












TICKET FARES




FULLY BOOKED

THE PASSENGERS



DESTINATIONS



CRASH-LANDINGS



THANK YOU FOR FLYING

Creator :
Blavered-INC

Image Hosts :
Photobucket, ImageShack

Header :
Billycoy Dacuycuy

Brushes :
DeviantART

Tagboard :
Cbox

BlogRoll :
BlogRolling

Clock :
ClockLink

Avatar :
Zwinky

Status Indicator :
Online Status

Comments & Trackback :
HaloScan

Reader Community :
MyBlogLog

Web Counter :
Free Web Logger

User Tracker :
Fast Online Users

Powered by :
Blogger Beta

Best Viewed :
1024 * 768