Thursday, April 26, 2007
Ayoko ng masyadong nag-iisip tungkol sa mga bagay bagay, lalo na kapag kailangan kong magdesisyon ng harap-harapan. Lagi kasing nangyayari yun sa akin, at minsan ay napapahamak (at napatatawa na rin) ako dahil sa mga naturang sitwasyon. Kapag tinatanong ako madalas ang sagot ko ay nasa gray areas, kaya naman sinasabi ko sa inyo na huwag na huwag niyo akong aasahan pagdating sa mga ganyan. Nung nagsaboy yata ng mga salita sa si Lord sa mundo, ang mga nakalap ko lang yata noon ay 'Hmm..' 'Ahh..' 'Ayos lang..' 'Pwede..' 'Hindi ko alam..' 'Ewan ko..' at lahat ng mga iba pang 'hindi siguradong' sagot na papasok dyan sa isip mo.
Kahit sa simpleng pagsabi ko ng order sa mga fastfood chain, hindi pa rin maiwasan na mapaisip ako ng malalim bago sabihin ang gusto kong bilhin. Nakikipag-usap din kasi ako sa kung kani-kanino habang nasa pila pa ako, para hindi ko maisip na matagal na kaming naghihintay doon. Ayan tuloy nalilimutan na rin kung ano yung bibilhin ko kaya naman wala na akong magawa kundi ngumiti na lang at minsan pa nakakatawanan ko na rin pati yung cashier na kaharap ko. Sayang nga lamang at hindi pa ganoon kalakas ang aking charm para malibre ako sa pagkain sa mga resto. Hanggang carinderia lang ang powers ko. Yuck cheap.
Maraming beses na rin yata akong napahamak dahil sa sakit (ganito ko na lang tatawagin) kong 'to, pero sorry hindi ko ito sasabihin. Sikretong malupit yun. Mabuti na lang hindi pa nangyayari sa akin ang mga pinakamalalang aksidenteng posible gaya na lang ng pag-crash ng eroplano, paglubog ng barko o pagbagsak ng mga meteors sa likodbahay namin, kundi baka wala na kayong mabasang post dito sa blog ko kundi isang epitaph na walang laman dahil hindi ko rin maiisip ang ipapalagay kung sakali. Pwede na siguro yung "Namatay dahil sa.." na message, wala na akong paki, tutal patay naman na ako. Pero malay natin, baka magbago pa isip ko.
Maski sa kahuli-hulihang pagkakataon bago ko ilathala ang post na 'to, nag-iisip pa rin ako kung hahabaan ko ba, kung English ba o Tagalog ang ipapabasa ko sa iyo at kung anong magandang pamagat slash titulo ng post na ito (Kita 'nyo na, sabi sa iyo eh). May draft muna kasi ako kapag gumagawa ng mga ganitong klase ng post, dahil siguro sa kakulangan sa oras para mag-isip ng maisusulat at dahil nga, tulad ng sinabi ko kanina dun sa itaas, ayoko ng masyadong nag-iisip sa mga bagay bagay.

Labels: 'mental'ity, sabaw
Saturday, April 21, 2007
Sa mga panahong ganito na summer na at malapit na rin ang eleksyon (at ang birthday ko rin pala, papansin lang), usong uso na naman ang mga patayan, holdapan, nakawan, bentahan ng droga, laman, at kung anu ano pa. Karamihan sa mga ito ay nagaganap sa Padre Faura, isang sikat na kalye sa lungsod ng Maynila. Dahil nagiging talamak na ang mga ganitong sitwasyon, kailangan na nating tawagin muli at buhayin ang mga dakilang tagapagtanggol ng 'Mahal kong Maynila', ang mga Faura Rangers!
Red Ranger - Tinaguriang pinuno ng grupo (kahapon lang namin siya nahirang), siya ang pinakamatindi mag-isip ng parusa sa mga kampon ng kasamaan. Inaaway si Green Ranger kapag magkakasama silang lima, at malakas bumanat at humirit ng mga uber sa galing na timing at straight-to-the-point na mga panunukso sa kung sino sino. Dahil diyan, ito na rin ang naging main weapon niya laban sa mga masasamang loob, taste the power of the 'Shadow Word.'
Yellow Ranger - Kanang kamay daw ni Red Ranger, ngunit kahit kanang kamay lang, siya ang naghahari-harian sa grupo. Siya naman ang mortal na kaaway ni Blue Ranger tuwing magkakasama ang lima. Napakabanal na tao raw niya, kaya maraming sumusunod sa mga pangaral na ipinagkakalat niya. Dahil doon, ang gamit niya naman laban sa mga masasamang loob ay ang kanyang 'Holy Word,' bukod sa kanyang charisma sapagkat siya ay isang alagad diumano ng kabutihan, isa siyang 'pastor.'
Blue Ranger - Siya naman ang pinakatahimik na miyembro ng grupo, pero nung una lang iyon. Mula ng makalabas galing sa mapait na mundo ng kadiliman (hindi literal), bigla na lang lumabas ang mga salita sa kanyang bibig at nawala ang 'Curse of the Silent.' Ngunit wag kayong mag-alala mga kalaban namin, sapagkat hindi ito ang kanyang superpower, kundi ang kanyang napakamakapangyarihang 'Finger of Death.' Siya nga rin pala ang pinakama-'L' sa grupo, ayon kay Yellow Ranger na mortal nga niyang kaaway.
Green Ranger - Siya ang pinakamaliit na miyembro ng grupo. Maliit ang sulat, maliit ang boses, maliit na rin daw ang lahat ayon kay bosing Red Ranger. Mahilig din daw siya sa mga maliit, sabi ng iba. Akala niyo lang madali siyang kalaban pero wag niyong maliitin iyan dahil walang dudang napakalakas ng kanyang superpower: ang 'Scream of Pain.' Swerte pa namin kung bading ang makakalaban, sapagkat tinagurian din siya bilang isang Super G-Vac o gay vacuum.
Pink Ranger - Masasabing isa siyang 'bading' slash bading-badingan dahil kalalaking tao ay nagsusuot ng pink na costume at mahilig tumingin sa mga boys kasama ni Green Ranger. Mahilig din mang asar kay Green Ranger kasama ni Red Ranger, at madalas katawanan ng grupo. Marunong rin siyang magpalit-palit ng boses ng kung sino sinong tao dito sa mundong ibabaw. At dahil doon, gamit niya na rin itong panlaban sa masasamang loob upang matakot sila sa kanilang pinaggagawang mga kalokohan, at tinawag itong 'Voice Morph.'
Kaya ikaw, kung sino ka man na nangangailangan ng tulong namin at nasa Maynila ka na rin lang, kami na ang hanapin mo. Basta may makita kang limang lalaki na nakasuot ng Tshirts na may kulay gaya ng mga nasa itaas, at nagtatawanan, tiyak na kami yun. Sakali mang hindi mo kami makita, sumigaw ka lang ng: "DoTA!!!" Pwede ring hanapin mo kami sa PJ Mansion, sa CAS, CAMP, basta sa vicinity ng Padre Faura St. Ermita, Manila. Matatagpuan din ang mga Rangers sa mga 7-Eleven shops na makikita mo. Chambahan mo na lang kung saan kami tumatambay sa oras na kailangan mo kami. Humanda na kayo mga bad guys and gays! Go Go Faura Rangers!

Labels: 'mental'ity, block 20, entertainment
Monday, April 16, 2007
Okay, since I started it all let's get this interrogation going.
Super Xienah
"kaninong babaeng blogista gusto mo magkaanak, ilan at ano ano ang pangalan?"
- Dear naman, alam mo na ang sagot ko dito: siyempre sa iyo. Mga pito, kaya mo ba? Medyo hirap ako mag-isip ng mga ibibigay na pangalan eh. Wala pa kasi sa mga plano ko yan. Ipapaubaya ko na lang sa iyo ang desisyon. :)
Tina
"if you're to choose to live the life of a person from history(napoleon, hitler... etc).. who would it be and why?"
- Jose Rizal. Local lang no? Haha. Well, I have always been curious about how he was still able to live his life 'happily' in spite of what he has gone through, that's why.
Jhed
"If you were given the choice to choose your gender.. what will it be and why?"
- As I have mentioned in a not-so recent post, I would like to be a girl. Well, you know the secret behind that, eh?. If not, do read this one. Mysteries, mysteries, mysteries. Hehehe.
Billycoy
"kung may itatanong ako sa iyo, ano ang tanong na iyon at ano ang isasagot mo sa tanong na iyon?"
- Ito: Pogi ba si Billycoy? At ang sagot ko: Siyempre naman.
Marchie
"pag me gift kayong pwedeng ibigay sa isang blogger friend, ano yun at kanino naman?"
- Siguro, isang lalaki (macho dancer) sa loob ng box. Yung parang sa bridal shower. Late na pa-birthday ko kay Super Xienah. Hehehe.
Mariel
"do you think that college education is for everybody? even those who can't make it? why or why not? :D"
- Before I answer this one, I have a hunch this is for a position paper eh? Just kidding. Well, it should be for everybody. We all have our right to have proper education, anyway so the government (or NGO's in that case) doesn't have a reason to give it to the rich people only. I am not going against them, though. They still have the decision to make.
Ikay
"bakit kaya may mga bagay na alam nating mali pero ginagawa parin natin?"
- Kasi, kapag ginawa natin ang tama, alam rin natin na lalo lang tayong masasaktan o makakasakit ng damdamin ng iba. Bigyan kita ng halimbawa: imbes na sabihin mo ang totoo, nagsinungaling ka. Yun ay dahil alam mo na masasaktan ang kausap mo oras na malaman niya ang katotohanan. Malabo ba? Sana hindi naman masyado.
Dan Hellbound
"In the name of Degeneration X, two words... Dream date?"
- Two words.. Rhian Ramos. (LOOL.)
Pam
"why loverboyparadigms..?!"
I have nothing to say about this one. Well, I was tagged 'loverboy' by one of my blockmates. The first post started it all, seriously. The word paradigms after that is nothing.
Aaronjames
"ikaw, may suggestion ka ba? haha. at tsaka bakit eroplano ang theme ng blog mo?"
- Wala akong suggestion eh. Haha. Kasi, pangarap ko dati ang maging piloto at mahilig din ako sa mga eroplano, thus lumipad at mapadpad kung saan saan. Kaso hanggang pasahero na lang ang maabot ko. Kaya dito ko na lang ibubuhos ang frustration na yun. Anyway, nag-iisip na rin akong palitan 'tong layout ko. Bulok na yata.
Iskoo
"para sa iyo, ilang araw ang katumbas ng isang blogging day? hehe. kapag ikay piloto na, saan mo gusto unang lumapag ang eroplano mo?"
- Ang isang blogging day ay isang earthday rin naman para sa akin. Hindi ako magiging piloto dahil hindi AE ang kinuha kong kurso. May restriction kasi na 20-20 vision kaya hanggang pangarap na lang yun. Pero, gusto kong bumalik sa Japan kung sakali man. Para sa lalapagan ng eroplano yun.
Jalbladder
"bakit hindi mo kami nililibre sa chowking considering na kayo ang may-ari nun? (kudos to tito arnel for that)"
- Pa-comment muna ano ha. Aba, may gimmick ka pa sa pangalan mong bata ka. Dinamay mo pa ang daddy dito hahaha. Well, wala ka naman kasing binibigay sa akin na formal letter of inquiry eh. Kailangan yun para makuha ang pinaka-aasam mong privilege na malibre sa ChowKing na yan. Kung gusto mo, pati yung bago naming promo na Trip to HK sponsored by Nestle.
Aya
"bakit ka nagbblog? paano nagsimula ang lahat? saan mo nakukuha ang mga ideas mo pag nagpopost ka? madalas kasi mahaba sila eh."
- Sa blog ko nilalabas ang lahat ng kalokohan, sama ng loob, kabiguan (ano ka sira?) at saloobin ko, bukod sa pakikipag-usap sa mga ka-close ko. Basahin mo ang unang unang post para may thrill naman. Pangatlo: Yun nga, mga saloobin ko lahat ng nababasa mo; maski ano pa yan. At oo, kahit fiction kasali. Mahaba sila dahil may draft ako bago i-publish, pwera na lang kung marami talaga ang creative juices ko para sa araw na yun.
Prongsy
"so, wala na bang gray areas?"
- Define your terms, please. Well kidding aside, hindi ko pa alam. Marami pa ring gumugulo sa buhay at isipan ko sa ngayon. May tatlong taon pa naman para maghintay, at alam akong MORE THAN WILLING ka na gawin iyon di ba (Wala akong balak magpatawa, seryoso to). Ipapaliwanag ko sa iyo ang lahat ng sagot sa iyong mga katanungan pagdating ng tamang panahon. (PI, ang drama yata ng sagot na 'to.) In the meantime, stop being emo.
TEA
"Cute ba ako? Joke. Lol. Kung nalulunod si G1, G2, at B1 at dalawa lang ang pwede mong iligtas sa kanilang tatlo, sinu-sino sila? At bakit?"
- Oo. Joke. Lol. Langya ka haha. Sa dami ng pwede mong itanong bakit ito pa? Mmmm. Si G2 na lang pwede? Bahala na si B1 at G1 magligtas sa sarili nila hahaha. Seriously, baka sila G1 at G2. Kasi, mas close talaga ako sa mga babae. Para bang hindi ko sila matanggihan, ganun. Alam ko namang maiintindihan yun ni B1 sakali man. Pero siguro kung mangyayari ito sa tunay na buhay, wala akong maliligtas. Gago ako eh, matagal mag-isip. Lunod na sila bago ako makapagdesisyon kung sino ililigtas ko. Mabuti pa siguro ako na lang ang iligtas nila. Hahaha. Pasensya sa sagot.
Padre Salvi
"1. What is the essence of being a blogger? 2. Bakit nakakaexcite makita in personal ang mga bloggers? 3. Kung ang blog ay ibang bagay, saan mo ito ipapangalan? (example: blog = tawag sa lines ng scrollbar) 4. Anung personality ang kakikitaan sa mga bloggers ni general? Kung baga, it describes us all. 5. Sino kaya ang BIG 4 sa PBB Season 2? Bakit?"
- 1. As a blogger yourself, you should know that. Hehe. Wala lang maisip, pasensya na. 2. Kasi, iba yung pakiramdam na makikita mo kung sino ang misteryosong (or misteryosa, if that is the case) persona sa likod ng bawat entry na nababasa natin sa blogs nila. Alam mo yun, ikaw pala si ganito, ang galing mo magsulat, at kung anu ano pang pwede mong sabihin. 3. Blog. Naiisip ko lang ang blockmates ko dito eh, dun na lang siguro sa 'block' ko. Hehe. Pangit na sagot yata. 4. Bloggers are creative. Kahit ordinaryong araw lang nagagawa nating isang post agad, gamit ang mga matatalim nating pag-iisip at pagkamalikhain. Yun bang nata-transform ang bawat eksena kaya nakakarelate ang mga mambabasa sa paraang naisip ng blogger at napapa-comment sa bawat saloobin na inilabas ng blogger para mabasa ng lahat. Ayos ba? Hehe. 5. Ewan ko hehe. Di kasi ako nanonood ng PBB eh. Pasensya ka na at wala akong sagot dito.
Rex
"Name Your Top 3 favorite bloggers whom you dont know personally, and tell us why you love reading their blogs."
- Here are my favorites: (no biases, I really don't know them personally)
[Plus, take note: I count 'knowing personally' when I already saw them in person.]
Tina - She has a LOT of juices. She's very expressive, and every post that I read in her blog is quite interesting. Yes, even the random ones. She has great reviews in her EspressoBreak too.
Super Xienah - Well, who do we have here? Her interesting posts surely capture the attention of people passing by her blog. The caricature of a woman with the word 'SuperX' under it will surely make you wonder. As a song says: 'She knows what she's doing.' (which happens to be true.) Well, I would love to know her personally, too.
Eric - He has a veery informative blog, and that solely explains it.
LA
"Bakit ang tahimik mo nung PBA'07???"
- Kaya ako tahimik nun kasi nangingilatis pa ako ng mga blogger na nakita ko doon sa RCBC. Besides, bigtime yung iba eh kaya hinintay ko na lang muna sila Billycoy na pwede pang makausap. Hehe. Alam mo na, kailangan magpakabait muna sa paningin ng iba. Haha. Ayun. Hayaan mo, next time mag-iingay na ako.
Joy
"if you are a cactus, why?"
- If I were a cactus, that is because I am not anything else you could possibly think of. :)
Sherma
"fired na ba ako dahil hindi na ako pumapasok sa trabaho? if ever na fired na nga ako, paano mo gustong mawala ang iyong airplane?! hahaha! bakit ka kuha pati ng kuha ng susi ng blog ko?! saan ka nagpapaduplicate?"
- Hindi kita sisipain sa trabaho dahil likas ang pagkamabait ko. (O di ba?) At siyempre, dahil ako lang naman ang 'boss' mo, dapat ay mayroon ako parating access sa blog mo. Kaya naman mayroon akong duplicate ng susi mo. Trabaho lang.
thejoketh
"sinong lalaking blogista ang gusto mong maging tatay ng magiging anak mo? ilang beses kayong gagawa ng anak?"
- Gusto mong masuntok? Hehe, biro lang. Lalaki ako at hindi ako papatol sa kapwa ko lalaki, kaya naman wala akong magiging anak sa lalaking blogista. Labo. LOL.
There goes the question and answer portion of this blog, if you still have some complaints about my answers (dissatisfacton, etc.) do comment. I will surely answer them back, as soon as I read them.

Labels: entertainment
Tuesday, April 10, 2007
Greetings, fellow bloggers!
In this post, feel free to ask a question (or a series of questions) about basically, anything - or maybe my personal life. Obviously, I couldn't think of a topic from this 'boring' life of mine, that's why this entry which you are reading right now is perhaps, short.
Before I end this anyway, all the questions will be answered in the next update, probably after five (5) to seven (7) blogging days. Well, the comment box is waiting. And so am I.
*sorry for the late update anyway.

Wednesday, April 04, 2007
Dahil mainit na ngayon at nasabay na rin ang Holy Week, marami na sa atin ang nagsisipuntahan na sa mga beach resorts, sa kani-kanilang mga probinsya at kung saan saan pang mga komportableng lugar para magpahinga at gastahin ang kanilang oras at pera sa mga nakakaaliw na mga bagay. Pero para sa ilang bored na at walang magawa, mas pinili pa rin nilang manatili sa kanilang mga tahanan at tiisin ang init ng panahon.
Pero dahil mabait ako sa inyong lahat, narito ang ilang tips para sa mga nais ma-beat ang summer heat nang hindi masyadong gumagastos (o hindi nga ba?) at naiinggit na rin sa mga kakilala nila na nasa mga probinsya at pa-relax relax na lang ngayon.
Ugaliing gumising ng maaga. Ito ay para madama mo naman kahit paano ang lamig ng simoy ng hangin na umiihip tuwing madaling araw. Hindi mo na kailangang pumunta sa dalampasigan para maramdaman ito. Siguraduhin mo lang na hindi lang iyon ang dahilan kung bakit ka gigising ng ganun kaaga (kunwari, trabaho, etc.). Pero kung wala ka na talagang magawa pagkatapos noon, mabuti pang matulog ka na lang ulit.
Maligo kada dalawang oras. Kapag ginawa mo ito, bawat labas mo ng banyo ay preskong presko ang iyong pakiramdam. Kahit hindi ka na magpalit ng damit buong araw ay malinis ka pa rin tingnan. Daig mo pa ang mga nasa beach ngayon dahil sila, tubig-alat ang matitikman kung sakali, at kailangan pa rin nilang mag-shower pagkatapos nilang magtampisaw sa dagat. Yun nga lang ay mayroon itong side effect. Ang masakit pa ay sa katapusan mo pa malalaman kung ano yun.
Huwag magkukulong sa loob ng bahay. Tuwing matatapos ka maligo ay lumabas ka naman ng bahay. Magdala ka lamang ng payong bilang proteksyon mo sa init ng araw. Sa ganitong paraan, maaari kang makipagchikahan sa iyong mga kapitbahay na tambay din sa labas. Imposibleng wala ang mga kumpare mo doon, baka nga abutan mo pa silang nakashorts lang at nagpapaypay, samantalang ikaw naman ay fresh na fresh.
Huwag na huwag ding matutulog sa hapon o yung tinatawag na siesta. Kung susubukan mo ito, paggising na paggising mo, tiyak na magrereklamo ka na naman na mainit at baka maging kada oras na ang ligo mo imbes na bawat dalawang oras lang. Tatagaktak lang lalo ang pawis mo kung ganoon. At kahit na makipagpatayan ka pa para lang maitutok sa iyong sarili ang bentilador ay wala ring mangyayari at lalo lang kayong mapapagod. Ang mabuti pa, matulog ka na lang ng maaga para makagising ka rin ng maaga parati. Mas mapapangalagaan mo pa ang kalusugan mo, at hindi ka rin makakasakit ng iba.
Subukang magpagupit. Ito ang S.O.P. ngayong summer, ang magpaikli ng buhok. Kahit paano kasi ay naiibsan nito ang init na dulot ng panahon, at hindi na rin masyadong pagpapawisan ang iyong ulohan. Kung lalaki, maigi rin ang magpakalbo. 'In' din yata ito ngayon, yun nga lang magmumukha kang fishball. Idagdag mo pa ang iyong 'bigating' (malaking) katawan kapag nakahubad ka, naku. Dali, tusok na.
Gumawa ng mga cold beverages na gusto mo. Ilan lang diyan ang halo halo, gulaman, at kung ano ano pang papasok sa isip niyo. Yan ang usong uso ngayong summer, at bahala ka na kung ano ang napupusuan mo. Kung talagang masarap pa ang pagkakagawa mo ng mga nasabing pampalamig, bakit di mo subukang magbenta ka ng mga ganito upang magkaroon din ng pera ngayong bakasyon kahit na paano. Nakatulong ka pa sa sarili mo para magkaroon ka ng allowance / pambayad-utang. Kung hindi naman ganon kagalingan, magtiyaga na lang sa mga powdered juices at tiyaking maayos ang iyong pagtimpla kung ayaw mong lalong uminit ang ulo mo. Tandaan mo, ngayong summer dapat cool lang tayo.
Mamalagi sa mga mall. Sa kaunting barya lang (pamasahe) ay mararanasan mo ang lamig na dulot ng air conditioner sa mga ganitong establisyimento. Kahit na hindi ka mamimili ay papapasukin ka, siguraduhin mo lang na wala kang dalang bomba o kahit anong delikadong bagay. Maigi rin kung mag-sideline ka muna bilang waiter, cashier o kahit ano sa isang sikat na fastfood chain. Tiyak na mayroon kang libreng pagkain mula sa iyong mga bosing mula almusal hanggang hapunan. Kumikita ka pa ng pera sa proseso, habang pinapawi ang init ng panahon.
Kung gagawin mo ang isa o mas mabuti pa; ang lahat ng ito, tiyak na hindi mo masyadong mararamdaman ang init ng panahon at ang sakit sa bulsa (sana nga). Huwag ka nga lang magkakamaling gumawa ng kalokohan tulad ng pagsasayaw ng mala-rain dance sa mga tribo dahil baka matulad ka rin sa amin (at magkaroon na rin kami ng kasama sa wakas). Lagi mo ring tandaan: huwag mong isasabay sa init ng araw ang init ng ulo mo kung hindi ay magiging karumal-dumal lamang ang dapat sana'y bakasyon mo. Wala na nga ang init ng summer, yun nga lang, malamig na rehas nga lang ang hihimasin mo.
Enjoy your summer!!
*Kung gusto ninyong magdagdag ng sarili ninyong mga tips, nag-aabang lang ang comment box. Baka isama ko pa ang tip ninyo sa listahang ito. :)
*Ang huling tip ay galing kay Padre Salvi. Salamat!
Pero dahil mabait ako sa inyong lahat, narito ang ilang tips para sa mga nais ma-beat ang summer heat nang hindi masyadong gumagastos (o hindi nga ba?) at naiinggit na rin sa mga kakilala nila na nasa mga probinsya at pa-relax relax na lang ngayon.
Kung gagawin mo ang isa o mas mabuti pa; ang lahat ng ito, tiyak na hindi mo masyadong mararamdaman ang init ng panahon at ang sakit sa bulsa (sana nga). Huwag ka nga lang magkakamaling gumawa ng kalokohan tulad ng pagsasayaw ng mala-rain dance sa mga tribo dahil baka matulad ka rin sa amin (at magkaroon na rin kami ng kasama sa wakas). Lagi mo ring tandaan: huwag mong isasabay sa init ng araw ang init ng ulo mo kung hindi ay magiging karumal-dumal lamang ang dapat sana'y bakasyon mo. Wala na nga ang init ng summer, yun nga lang, malamig na rehas nga lang ang hihimasin mo.
Enjoy your summer!!
*Kung gusto ninyong magdagdag ng sarili ninyong mga tips, nag-aabang lang ang comment box. Baka isama ko pa ang tip ninyo sa listahang ito. :)
*Ang huling tip ay galing kay Padre Salvi. Salamat!
Labels: 'mental'ity, sabaw
Sunday, April 01, 2007
Grabe.
Hawak ang isang e-ticket na fresh from the printer dahil noong araw na iyon ko lamang nakuha sa e-mail, naglakad na ako papunta sa elevator ng RCBC Plaza patungong Podium 4. Doon kasi gaganapin ang kauna-unahang PBA 2007 o Philippine Blog Awards 2007. Alas singco y media na noong umakyat ako, medyo maaga-aga pa para sa mismong event kaya naman nilibot ko muna yung lugar para makipagsosyalan at kumain. Laking gulat ko na lamang noong kinamayan ako ni JV, isa sa mga bigating organizer nitong prestihiyosong awards night na ito. Sa paglilibot ko, nakita ko si Aaronjames, isa sa mga nominee para sa Bloggers' Choice Award. Nag-usap kami sa buhay-buhay, at nag-link exchange na rin ng personalan.
Nilibot muli namin ang lugar para kumuha ng mga freebies mula sa iba't ibang mga sponsor at sa wakas, matapos ang tatlumpung minuto, habang iniinom ko ang kape ko na mula sa Nescafe, nag-annunsyo na si Sir Abe na magsisimula na ang awarding kaya naman pumunta na kami sa entrance ng theater. Pero bago yun ay nabaling ang aming atensyon sa media (RPN 9). Aba, mukhang may telecast pa yata ito. Napatingin din kami sa isang advertisement ng Globe. Gamit ang internet ay binuksan namin ni Aaron ang blogs namin para tingnan kung ilan na ang page views namin. Habang tinitingnan ko ang akin ay bigla akong kinalabit ng isang lalaki mula sa likuran. Akalain mo bang si Franco pala yun, at nagkakakilala na nga kami. Nakita na rin namin sina LA, Heneroso, Kevin, Jhed at ang alagad ni Billycoy at pumasok na kami para humanap ng mauupuan.
Aba, pinatunayan nilang lahat (mga organizer) sa aming mga bloggers na hindi lang basta basta itong event na ito dahil bigla na lamang kaming pinatayo para awitin ang pambansang awit. At matapos yun ay mayroon pang makabagbag-damdaming invocation si Father Stephen Cuyos na talaga namang naka'touch' sa puso naming lahat, lalo na ng mga bloggers na naroroon. Matapos yun ay ipinakilala na ang mga emcee para i-announce ang mga nanalo sa gabing iyon. Ang bilis ng mga pangyayari, sa isang iglap lang ay nasabi na halos lahat at draw na para sa mga GC's na galing sa KrispyKreme at Globe, at ang pinaka-aabangan ng lahat: ang i-Pod at cellphone. Akalain mo bang sa swerte ng ticket #168 ni Kevin eh siya pa ang nanalo nung Nokia 3230. At ako naman, nanghihinayang dahil muntik muntikan na talaga mapasakamay ko yung i-Pod na yun. Sayang talaga.
And the winner is..
1..
3..
Nakakainis pa nga si Jayvee (biro lamang po) dahil nagpa-suspense pa siya bago niya sabihin ang huling numero ng nanalong ticket. Naisip ko talaga na medyo mataas ang pag-asa ko na manalo noon dahil yung ibang ticket na may '1' at '3' sa umpisa ay natawag na nung draw para sa mga gift bags. Ang number kasi ng ticket ko ay 130. Kaya naman todo todo ang dasal ko nun para '0' ang tawagin ni Jayvee pero napasobra yata kasi '1' ang nabanggit sa halip na yung '0' ko. Sana pala pinauna ko na si AJ dun sa pila para ako na lang ang nanalo ng i-Pod na yun, hay naku. Yun pa mandin sana ang ipinunta ko dun, bukod sa makakita ng mga bigating blogger tulad nila Bryanboy, Shari at marami pang iba, na natupad naman. Masaya na rin ako dahil nakamayan ko maski 'alagad' lang ni Billycoy. Matatanggap ko na yun bilang consolation kahit hindi ako nanalo ng i-Pod.
Pagkatapos ng awarding ay photo-op na sa harapan. Kaming mga sawing palad ay ibinaling na lang ang kalungkutan sa camera ni Kevin at naka-ilang kuha din kasama ang iba pang mga blogger. Hay, ganyan talaga ang buhay. Congratulations na lang sa inyong mga nanalo, lalo na sa iyo Kevin, ang swerte mo talaga. Sa iyo rin Hener, na nakapagpa-picture pa kay Bryanboy pagkatapos ng lahat, naku talo mo pa ang nanalo ng i-Pod at cellphone na pina-raffle. Congrats din kay Abe at sa iba pang mga organizers at volunteers para sa isang matagumpay na Philippine Blog Awards na ito. Napakasaya talaga. Sana sa 2008 at sa susunod pang mga taon ay magkaroon ulit nito at mas marami pang dumalo. At sisiguraduhin ko na rin na mapapasa akin na kung ano mang premyo ang in store para sa amin. Sa uulitin!
------
*Para sa kumpletong listahan ng mga nanalo, puntahan niyo ang Philippine Blog Awards dito.
*Kung gusto niyo naman mabasa ang napakatinding invocation ni Father Stephen Cuyos, dito kayo pumunta.

Labels: blog awards, sabaw